ART 28

3 0 0
                                    

SHARE IT

"Hoy, baka matunaw 'yan!" Napabaling naman ang aking paningin sa aking kaibigan.

"Pahiram nga ng cellphone mo," saad ko sa kaniya at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.

"May cellphone ka naman ah."

"Mas maganda kasi 'yong camera mo, papasa na lang mamaya," sagot ko sa kaniya habang nakangiti.

Napapalakpak ako nang iabot niya sa akin ang kaniyang cellphone. Maligayang kinuhanan ko ng litrato ang aking crush na si Gelo. Syempre, hindi ako p'wedeng magpahuli kaya patago ko lamang itong ginawa.

Abala ito sa pagcecellphone habang nakikipagbiruan at tawanan sa kaniyang barkada.

"Ipasa mo na sa 'kin, Bree," utos ko sa kaibigan ko pagkatapos mag-picture.

"Wait lang po, madam," wika nito bago umirap.

Nang makita kong may receiver na lumabas ay agad ko itong pinindot. Napatingin naman ako sa gawi ni crush bago muling ibinalik sa cellphone ang paningin.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang na-send sa akin. It was not the pictures of my crush. Namumulang napatingin ako sa aking kaibigan. Sesermonan ko na sana siya nang unahan niya ako.

"Hoy, Kim. Bakit ang tagal mong rumeceive?" Napakunot naman ako dahil sa sinabi nito.

Nanlaki ang aking mata nang muling tingnan ko ang pangalan ng receiver.

"Kadiri ka naman, Gelo! Bakit mo ako pinasahan ng porn ha!" Namumulang sigaw ko dito na ikinakunot niya.

"Wooohhhhh"

"Gago ka, Gelo HAHAHAH"

"Lagot kay ma'am hahahaha"

Tumingin muna siya sa kabarkada ngunit nagkibit-balikat lang ito.

"Delete mo na lang o kaya panoodin mo," saad nito, hindi man lang ako tiningnan.

"Eww, kadiri ka! Nanonood ka pa talaga ng porn sa school!" Inis kong bulyaw dito. Tanggal ka mamaya sa list ng mga crush ko.

"Tsk."

"Isusumbong kita kay ma'am," sambit ko. Wala naman talaga aking balak, panakot ko lang kay crush baka sakaling masindak sa beauty ko.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at itinapat ang mukha sa mukha ko. Ngumisi ito nang malawak bago bumulong na siyang ikinapula ko pa lalo.

"Hayaan mo na ako, babe. Pinag-aaralan ko lang naman kung ano-anong posisyon ang pwede nating gawin kapag naging asawa na kita eh."

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now