ART 7

6 0 0
                                    

LAMOK

Ang boring talaga ng klase ni ma'am kanina pa ako inaantok. Dada pa siya ng dada sa unahan hindi ko naman maintindihan. Nakaramdam ako ng parang may kumagat sa braso ko at pagtingin ko ay may lamok kaya hinampas ko ito. Then biglang may naisip akong kalokohan.

Kinuha ko ang ballpen ko at sinulat ang word na "LAMOK" sa palad ko. Exciting 'to pampawala ng antok. Sinilip ko ang katabi ko bago ko sinampal ng palad ko.

"Aray bakit ka nananampal?"

"Sorry may lamok kasi oh." Pagkapos ay ipinakita ko ang palad ko bago humagalpak ng tawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Nakita ko siyang may sinulat sa palad niya pero hindi ko na pinansin at naghanap ako ng bagong biktima.

- - -
Halos mamatay na ako sa katatawa dahil sa mga reaksyon ng kaklase ko na napagtripan ko. Napatigil ako sa pagtawa nang may napansin ako. Halos lahat ng mga ito ay nagsasampalan at tumatawa. Buti na lamang at matanda na ang teacher namin at hindi sila napapansin. Wth!

Pero dahil dakila akong gago lumipat ako ng upuan na malapit sa table ni ma'am. Nakita kong nalaglag ang ballpen niya. Habang pinupulot niya ito ay dali-dali akong pumwesto sa likod niya at hinampas ko ng malakas ang puwet niya gamit ang palad ko. Tumahimik sa room at mga nakanganga ang kaklase ko sa akin. Halos pumutok naman ang ugat ni ma'am sa galit. Ngumiti ako ng hilaw at pinakita ang palad ko.

"Sorry po ma'am may lamok po kasi eh." sambit ko bago tumakbo palabas ng room.

"IKAW NA BATA KAAAA!" rinig kong sigaw niya kasabay ng malakas na tawanan ng mga kaklase ko.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now