ART 51

4 0 0
                                    

MAY KAPATID KA BATA?

Pauwi na sana ako nang may nakita akong batang sobrang cute. I think he's around 4-6 years old . Nilapitan ko ito ng may maisip akong kalokohan.

"May kuya ka bata?" ay! Desperada na kung desperada. Jowang-jowa na ko eh.

"Meron po," inosenteng sagot nito. Shit! Kung sinuswerte ka nga naman oh.

"Talaga? Anong name n'ya?"

"Xavier Marquez po," my jesus, nameet ko na ang future kapatid ko.

"Kilala mo po ba si kuya?" dagdag pa nito.

Syempre naman asawa ko 'yon eh.

"Ah-eh oo naman! Paanong hindi makikilala eh ako 'yong girlfriend ni kuya mo." Sige lang mag-assume ka pa Xandra. Bahala nang mabuking.

"Talaga po? Ano po bang pangalan mo ate?" nagniningning ang mata nito sa sobrang tuwa.

"Call me ate Xandra," nakangiti kong saad dito. Wow self-proclaimed Xandra?

Nagtaka naman ako nang nanlaki ang mata nito at agad akong niyakap.

"Ikaw po si ate Xandra Malibag?" napapikit naman ako ng banggitin n'ya ang apelyido ko.

Taena ang bantot talaga.

"Kilala mo ako?"

"Ikaw nga 'yong girlfriend na tinu-"

"Sinong kausap mo Klyde?" nanigas ako nang marinig ang malaki nitong boses.

"'Yong girl--" agad kong tinakpan ang bibig nito. Shit!

"Babye cutie," akmang aalis na ako nang may humigit sa braso ko.

"Where are you going babe? Kinakausap ka pa ng kapatid natin." Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nito bago nahihiyang humarap sa future husband ko.

"H-huh?" painosente lang Xandra?

"Sabi ko tara na at ipapakilala kita kina mommy tutal nameet mo na naman si baby Klyde,"sabi nito bago ako inakbayan.

Mom, I'm getting married!

"Hihihi yieeee, si ate Malibag."

Ay pigilan n'yo ko baka maisako ko 'tong future sibling ko.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now