ART 45

3 0 0
                                    

PAANO PAGSELOSIN SI CRUSH?

Ang kaninang magandang gising ko ay nasira nang makita ko ang aking ultimate crush na may kausap na babae.

"Hanggang dito ba naman sa mall madami ka pa ding kalandian,Sean," inis kong bulong sa sarili.

Inikot ko muna ang aking mata sa paligid, napangiti naman ako sa kalokohang naisip.

Kinuha ko ang salamin at lipstick ko sa bag bago naglagay nito. Sinigurado kong mapula ang labi ko. Ang fitted dress na aking suot ay hinila ko pataas para lalong umiksi.

Huminga muna ako nang malalim bago ngumiti nang malawak.

May kumpyansa akong naglakad palapit sa lalaking malapit sa kanila. Watch and learn, baby.

"Kuya, p'wede bang ikaw na lang magsuot sa 'kin nitong sandals? You know nakadress ako," mahinhin kong saad sa salesman. Ramdam ko namang napatingin sa akin si Sean. Gan'yan nga.

"Sige po, Miss," magalang na saad ng lalaki bago kinuha ang sandals. Uupo na sana ito sa harap ko nang agawin iyon ni Sean.

Kunot na kunot ito habang isinusuot sa akin ang sandals. Bahagya akong namula.

"Bakit ikaw ang naglagay? Ikaw ba si kuya?" Masungit na sambit ko dito.

Tiningnan niya lang ako nang walang ekspresyon bago umismid at tumalikod sa akin. Aba! Tamo 'yong lalaking 'yon. Lalo naman akong nainis nang bumalik ito sa babaeng kausap at nakangiti na ngayon.

Sa sobrang inis ko ay lalo kong itinaas ang aking dress, pinapakita ang aking makinis at maputing hita. Kita kong napasulyap siya sa akin at nag-iba ang itsura. Hindi ko na lamang siya pinansin bago muling nagtingin ng ibang sandals.

"Kuya! Ayoko nito makikitanggal na nga!" Sigaw ko sa salesman.

Nagulat ako nang bumungad sa harap ko si Sean na parang galit.

"An---"

Nanlaki ang mata ko nang buhatin ako nito ng pa-bridal style at iniwan ang babaeng kasama.

"Ate Dein, ikaw na bahalang magbayad sa sandals ng babaeng ito," wika niya sa babaeng kausap kanina. Ate? Wth!

"I-ibaba mo na ako, Sean." Bakit ka nauutal ngayon? Nasaan na ang confidence mo, Mae?

"Damn, Mae! Hindi mo kailangang ipakita ang katawan mo sa iba para mapansin ko. Your body is for my eyes only. Every part of it belongs to me. Bawat matang nakatingin sa 'yo kanina, it's making me crazy, baby."

Napanganga naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung kikiligin ba muna ako dahil nahihiya ako sa mga taong nakatingin sa amin ngayon.

"S-sa'n mo ba ako dadahilhin?"

"Sa bahay, bubuntisin na kita para 'di kana maagaw ng iba."

Mahearttttt!

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now