ART 33

5 0 0
                                    

PISO

"Bilis bilis! Dumaan na naman kayo oh, malelate na ko." Para nang sinilihan ang p'wet ko habang naghihintay ng masasakyan. Ten minutes na late na ang ateng niyo. Terror pa naman math teacher namin.

Nang may tumigil na jeep sa harap ko ay dali-dali na akong sumakay at hindi na nagsayang pa ng oras. Sa kamamadali kong kumuha ng barya sa wallet ko ay nalaglag 'yong piso. Ano ba naman 'yan.

Pupulutin ko na sana ang piso nang may kamay na nag-abot sa akin.

"Miss oh, piso nahulog." Holy shit! Ang pagkakagwapong nilalang ga nare! Destiny ko na po ba siya, God? Ito na po ba 'yong mga nababasa kong love story kasi okay lang po na malate ako basta makasama ko lang siya.

"Thank you," Medyo nahihiya pa kong wika.

Habang nasa byahe ay panay ang sulyap ko sa g'wapong guy sa harap ko. Ano kayang name nito. At dahil maharot ako ay may naisip akong kalokohan.

"Yes? Who's this?" kunwareng sagot ko sa tumatawag kahit wala naman haha.

"Opo si Aeka nga po ito." Kita ko naman na napatingin sa akin si kuyang g'wapo kaya mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko. Mag online na lang ako maya baka magfriend request.

"Aeka Affini po. A E K A po. Sige po sabihin ko na lang kay Mama." Sana naman nakuha niya name ko 'di ba?

"Miss, ikaw ba si Aeka Affini?" tanong ni future husband ko kaya agad akong napatango. Sinasabi ko na nga ba type ako nito eh.m

"Yes. Why?" Kalmadong tanong ko dito. Oh my pa english si Mayora.

"As in anak ni Rose at Lance Affini?" Gosh! Pano niya nakilala parents ko? Don't tell me inarrange marriage nila ko. Well, hindi naman sila nagkamali.

"Kilala mo sila?"

"Yes naman. Lagi kang kinukwento sa akin ni tito Lance. By the way, I'm Drake, pinsan mo."

Pinsan mo.
Pinsan mo.
Pinsan mo.

Waaahh ayoko na sa earth. Jowa na naging pinsan pa.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now