ART 107

3 0 0
                                    

ESPESYAL NA ARAW

Sunod-sunod ang pagdating ng mga bisita sa aming tahanan habang abala ang aking mga magulang sa pag-aasikaso sa kanila.

Nakakatunaw ng puso na makita ang mga taong mahahalaga sa akin na narito sa aking espesyal na araw.

"Wala akong masabi sa kabaitan ng estudyante kong 'yan."

"Siya 'yong tipo ng kaibigan na hindi ka iiwan kapag may problema ka."

"Napakamapagmahal na anak ni Faye kaya napakas'werte ko sa anak kong 'yan."

Nakakat'wang tingnan na sinasabi nila 'yon habang umiiyak.

Tuluyan nang tumulo ang aking luha. Nakakalungkot na 'saka lang nila makikita ang 'yong halaga kapag wala ka na.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now