ART 85

4 0 0
                                    

A BITCH WITH A GOOD HEART

Pinagmasdan ko siyang masiglang naglakad at wari'y natatakot sa kaniya ang mga estudyante. Isa siya sa pinakamayamang estudyante sa paaralan dahil anak siya ng principal.

Tumigil siya sa harap ng isang lalaki at walang ano-ano'y binuhusan niya ito ng kape na kanina'y hawak ko lang. Napasinghap ang mga taong nakakita ngunit mas nagulat ang mga ito nang sampalin niya ito, hindi lang isa kun'di dalawang beses. Walang nagawa ang lalaki kaya nanatili itong nakayuko habang umiiyak.

Pagkatapos noon ay nagpatuloy siyang naglakad na parang walang nangyari alintana ang mga nagbubulungang estudyante sa kaniyang paligid. Napangiti ako. She's really a bitch.

"Reiah, napanood mo na ba 'to?" tanong sa akin ni Mae, kaklase ko.

Kunot noo akong napatingin sa kaniya kaya lumapit siya sa akin habang hawak ang kaniyang cellphone.

"Ang alin?"

"Panoodin mo ito." Kinuha ko ang cellphone niya at pinanood iyon. I was shocked when I watched the video. I read their comments and reactions about the video and all of these are negative.

"Kailan pa ito?" tanong ko kay Mae habang hindi inaalis ang mata sa video.

"5 days ago."

"How they could do this?" mahinang bulong ko.

Nang matauhan ay mabilis ko siyang hinanap. Lakad, takbo na ang aking ginawa para mahanap siya but I failed. I couldn't find her.

Muli akong bumalik sa classroom at magpapahinga na sana nang biglang dumating ang umiiyak na si Mae.

"R-Reiah," banggit nito sa pangalan ko habang umiiyak. Lahat kami ay takang napatingin sa kaniya.

"Why Mae?" tanong ko sa kan'ya at nagsimula ng kabahan.

"Si Jenny natagpuang patay sa laboratory." Muli siyang napahagulhol ng sabihin 'yon.

Bagamat nanghihina ay pinilit kong takbuhin ang pagitan ng aming classroom at laboratory. Natagpuan ko doon ang kumpulan ng mga estudyante.

Dahan-dahan akong sumiksik upang makapasok, binalewala ang mga luhang nag-uunahang pumatak sa aking pisngi.

Napatakip ako ng bibig sa aking nakita. Mula sa malamig at walang kulay niyang mga balat. Nakabukas na mata at bumubulang bibig. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at napahagulhol.

Muling nagbalik sa aking ala-ala ang video na aking napanood. It was a short a video kung saan makikita kung paano niya binuhusan ang lalaki. Kung paano niya kinuha lahat ng paninda  ng isa naming kamag-aaral at kung paano niya kaladkadin ang isa naming kaklase.

Marahan akong tumingala at isa-isa silang pinagmasdan. Nagdilim ang aking paningin at tila gusto kong manakit. Walang kapatawaran ang kanilang ginawa. They are really a monters.

"Kasalanan niyo itong lahat! Sa sobrang judgemental niyo namatay ang pinsan ko! I know you already have an idea why she did this! It's because of the video, right?" Lahat sila ay nakayuko at wala ni isang nagbalak magsalita.

"Tinanong niyo na ba 'yong lalaki kung ba't iyon ginawa sa kaniya ni Jenny? It's because he cheated on our bestfriend! She did that dahil ayaw niya na sinasaktan lang ng kung sino ang mga taong mahahalaga sa kaniya! Yet you called her a heartless one. And 'yong babaeng kinuhanan niya ng paninda? Alam niyo ba ang kwento sa likod no'n kung bakit niya iyon ginawa?" Tumigil ako at matalim ko silang tiningnan. Naghihinatay sa susunod kong sasabihin. Mariin aking napapikit at muling napaluha.

"Binili niya 'yong lahat ng paninda para maubos 'yon at ng makauwi ng maaga 'yong babae but she received a painful words instead of appreciation from all of you. Mali ba iyon ha? Sabihin niyo! A-and the last, 'yong sinasabi niyong babaeng binully niya? Do you know the real reason why she dragged that girl? She treated her on a restaurant and buy her a gift because Jenny saw her eating alone in the CR on her birthday. But what did you do? You said she's so rude and bad."

I've been the witnessed how bitch she was but I could say that she's a bitch with a good heart. She has a good heart.

I cried after I said those words. They're all speechless. I can't imagine how my cousin managed their words that kill her everyday.

People easily judge things without knowing the real story behind it. All they can see are the mistakes you commited but not the good things you did.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now