ART 30

3 0 0
                                    

Inis na inis akong umuwi mag-isa galing sa school. Pa'no ba naman kasi hindi man lang ako tinext o tinawagan ng magaling kong boyfriend. Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagkulong sa kwarto habang inaabangan ang tawag n'ya. Nabuhay ang patay este ang dugo ko nang may marinig akong kumakanta sa baba. And there he is, standing in front of our house while singing our theme song. Napangiti naman ako kaya dali-dali akong lumabas. This man never fails to make me happy. Dahan-dahan s'yang lumapit sa akin at ibinigay ang dala n'yang boquet of flowers. Agad ko naman iyong tinanggap bago niya ako niyakap at hinalikan sa noo. Naagaw naman ng atensyon ko ang card na nakasipit sa bulaklak kaya kinuha ko iyon at binuksan. Halos maiyak ako nang maalala kong wala nga pala akong boyfriend at nag-iimagine na naman ako.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now