ART 36

4 0 0
                                    

LIBRO

Nasa'n na ba kasi 'yon? Dito ko lang 'yon nakita no'ng isang araw eh.

"Ayon!" Agad kong kinuha ang libro na kailangan ko para sa aming research.

Nasa may pinakadulo pa kasi akong parte ng library kaya walang tao. Uupo na sana ako nang mapansin ko ang aking crush na nagbabasa. Kailangan talaga nakatakip ang libro sa mukha?

Dali-dali akong umupo sa harap niya. Tadhana na talaga ang naglalapit sa amin.

"Pssst." aba! Ayaw man lang akong tingnan.

"Reddick, may sasabihin sana ako." Bahala na si batman. Pakapalan na 'to ng mukha.

Hindi naman siguro masama ang umamin, 'di ba? Besides, matagal ko na naman siyang gusto.

"Hmm, Matagal na kasi kitang gusto since Grade 7. Nahihiya lang ako sa iyo. Ikaw kasi, bukod sa gwapo na sobrang talino pa plus mas lalo kang guma-gwapo kapag nagsusungit ka. Okay lang naman na ireject mo ako, maiintindihan ko," lakas loob kong pag-amin sa kaniya.

Hello? Wala man lang ba siyang sasabihin o kahit reaction man lang? Nasobrahan naman ata ang kasungitan niya.

"Uy crush, pansinin mo naman ako oh." Hihigitin ko na sana ang librong hawak niya nang nagvibrate ang cellphone ko.

"Tss, panira ng moment," mahinang bulong ko.

From: Bessy
Roxanne naaksidente si Reddick ngayon. Tumalon daw mula sa rooftop. Basag ang mukha at puno ng dugo. Grabe girl! Bumaba ka agad dito.

Bigla akong kinilabutan. So sin--, dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko kasabay ng dahan-dahan niyang pagbaba ng libro.

Kita ko ang duguan at wasak niyang mukha na nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Hi Roxanne."

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now