ART 40

5 0 0
                                    

INSPECTION

"Makikitaas po ng kamay," utos ko sa lalaking kasalukuyan kong kinakapkapan.

Naassigned kasi kami ngayon na mag-inspect nang mga may dala ng cellphone. Nasa rules and regulations ng paaralan na bawal magdala nito.

"Huwag po. Help! Rapeee!" sa halip na sundin ang sinabi ko ay niyakap pa niya ang sarili niya. Napataas naman ang aking kilay.

"What are you doing?" iritang tanong ko dito. As if I'll rape him.

"Ito naman masyadong masungit. Ms. Grande hindi din masama amg ngumiti minsan." Nagulat ako nang hinawakan nito ang pisngi ko at binanat.

"Ayieee, ngingiti na 'yan." agad ko namang tinapik ng malakas ang kamay nito dahilan para mapabitaw siya.

"Don't waste my time, Mr. Rodriguez. Marami pang nakasunod," seryosong sabi ko dito. Humawak naman ito sa may dibdib at umaktong nasaktan.

"Awts, marami pa palang nakasunod sa akin. Don't worry babe, I'll make sure that I'll be the last. Dahil tayo na hanggang dulo." Naghiyawan naman ang mga ulupong nitong kaklase. Medyo napapangiti naman ako pero hindi ko 'yon ipinahalata. Kalma lang Zandra, tandaan mo ang tinuro sa 'yo ni mama. 'Huwag marupok!'

"Please Mr. Rodriguez, umayos ka at tigilan mo ako sa mga banat mo." Napasimangot naman siya at itinaas ang dalawang kamay.

"Oh, ayan na. Alam ko namang tyansing ka lang sa akin eh." Napairap naman ako at nag-umpisa na siyang kapkapan.

Inuna ko ang bulsa niya bago sinunod ang gilid ng pantalon ng bigla niya akong kabigin at niyakap kaya nagmukha kaming magkayakap sa isa't-isa.

"Ayieeeee"
"Tyansing si Zandra oh."
"Alam na dis"

"Bibigay ka din, Zandra. At kung p'wede sa susunod na mag-inspect ka 'wag nang cellphone. P'wede bang 'yong puso ko namang patay na patay sa 'yo. Gusto mo iuwi mo pa sa inyo."

Tuluyan ko na ngang sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa hiya at kilig.

Mama, marupok ho talaga ang anak nyo.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now