ART 81

2 0 0
                                    

ASAWA KO

"Woy, nasaan ang asawa ko!" sigaw ko sa classroom nang mapansing wala siya dito.

"Sino ba ang asawa mo?"mapanuyang sigaw naman ni Lean, ang pinakamadaldal sa room bukod sa 'kin.

"Tinatanong pa ba 'yan?" mayabang kong tugon dito.

"Wow, lakas ng loob ah. Porket wala si ano sa room," asar ng classroom pesident namin na si Jane.

"Tsk. Nasaan na ba kasi 'yon?" irita kong tanong sa mga ito.

"Bakit mo ba kasi hinahanap? Aamin kana ba, Alexa?" singit naman ni Ken kaya naghiyawan ang klase.

"Ako aamin? No need na no, asawa ko na nga 'di ba?" mataray kong sagot na medyo medyo kinikilig pa.

"Teka, sino ba kasi 'yang sinasabi mong asawa mo?" nakangising wika naman ni Lean habang may tinging mapang-asar.

"Duh? Alam ko namang alam niyo na pero sige sasabihin ko na para wala nang makaagaw sa asawa ko. Ang matalino ,masungit pero gwapo at SSG President lang naman ng school na si Daniel Parquez!" proud kong sigaw sa room na parang nagpapakilala sa contest habang nakabuka ang mga kamay.

Napansin kong tumahimik ang klase. Lahat sila'y nakatingin sa may pintuan kaya sinundan ko ito. Nanlaki ang mata ko nang makitang prenteng nakasandal ito sa gilid habang magka-cross arm. Shit! Ang seryoso niya.

"Sino nga ulit asawa mo, Alexa?" mapang asar na tanong ni Ken habang nakangisi pa si mokong. Bwisit ka! Hindi ka makakaburaot sa 'kin.

"Hi-hindi mo ba narinig sinabi ko? Sabi ko si Daniel. Tama! Si Daniel Padilla." Napapikit naman ako sa sarili kong palusot.

"Hindi pa sinabing Daniel Parquez," pakinig kong bulong ng katabi ko kaya siniko ko ito.

Dahan-dahang naglakad si Daniel papunta sa direksyon ko kaya agad akong umupo sa upuan ko.

"Stand up," malamig na utos nito.

"Ha?"

"I said stand up." Agad naman akong sumunod sa kanya dahil sa kaba.

"Tara na," yaya nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Saan?"

"Sa gym. Doon ka mag-announce. Ayoko ng dito mo lang ako ipinagdadamot sa room, wifey."

"Invited kami ah"

"Kasalan naaa"

"Abay ako ha"

Honeymoon na this!

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now