ART 111

6 0 0
                                    

MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND

I have this friend na kinaiinggitan ko simula highschool pa lang kami. Hindi 'yong inggit na masama ang tingin sa kaniya dahil sa totoo lang ay sobrang bait niya.

She has all the things I wanted to have. She's pretty and down to earth person. She's smart and men used to admire her because of those.

At kahit sa pagpili ng lalaki, napakagaling niya. Sobrang inggit ang nararamdaman mo kapag nagkukwento siya tungkol sa boyfriend niya. Kinikilig at pinapangarap na sana ganoon din ang makuha kong klase ng lalaki.

And today she'll introduce me to her boyfriend. Finally, after 3 years makikita ko na ang lalaking sinasabi ng aking bestfriend.

"Napakas'werte ko talaga sa boyfriend kong 'yon. Kapag galit ako, lahat ng gusto ko sinusunod niya. He never get mad at me kaya nga tumagal ang relasyon namin ng 3 years, eh," she proudly said. Wala akong mahimigan na yabang doon kaya napangiti na lamang ako.

Kailan kaya ako makakahanap ng ganoong klaseng lalaki? 'Yong mga ex ko kasi puro mga babaero at manloloko tapos madalas lang ako balewalain, malayo sa kung paano itrato ng boyfriend niya ang bestfriend ko. Naexvite tuloy ako mameet siya.

"Nasaan ba ngayon boyfriend mo?" tanong ko habang umiinom ng juice. Kasalukuyan akong nasa kanilang bahay dito sa Batangas para nga ipakilala ako sa malawattpad niyang boyfriend.

"He texted me. He's going downst--oh ayan na pala siya!" Dahan-dahan akong naoabaling sa direksyon kung saan siya nakangiting kumakaway.

Laglag panga naman ako nang makita ang napakagwapo niyang boyfriend. Shit! Nakakatulo laway!

"Hi baby!" masiglang bati ng bestfriend ko.

"Sorry, kanina pa ba kayong naghihintay? Bakit hindi niyo pa kinakain 'yang mga pagkain sa lamesa?" nakakunot niyang tanong.

"Hindi pa baby, kasi hinihintay ka namin kanina pa," mahinahong sagot ng bestfriend ko.

Pareho kaming nagulat nang ihagis nito ang upuan sa malayo.

"Shit! Shit!"

Napatayo na ako nang maging ang pinggan ay ihagis nito. Agad naman siyang dinaluhan ng bestfriend ko at hinagot sa likod. Kita ko ang pagpatak ng luha sa mata ng kaniyang boyfriend.

"This is all my fault! Shit! I'm sorry!" umiiyak niyang wika bago pinagsusuntok ang lamesa.

"It's not your fault, baby!"

"It is!" sigaw niya bago itinapon ang vase na nasa lamesa. "Kung hindi ko sana kayo pinaghintay edi sana nakakain kana! Fuck! I'm so stupid!"

"N-no, baby..."

"I'm sorry, baby. Hindi na mauulit," sambit ng lalaki bago hinaplos ang mukha ng aking bestfriend at hinalikan sa noo.

Napanganga na lamang ako sa aking nasaksihan. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at lumabas sa kanilang bahay.

"Putang-ina, ang OA ng pota," napabulong ko na lamang sa sarili.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now