ART 9

6 0 0
                                    

"Ano bang gusto mo sa lalaki Yesha?"

"Syempre 'yong magaling maggitara naa-attract kasi talaga ako sa guitarist eh,"nakangiti n'yang saad.

So I did, nagpaturo akong maggitara sa kapatid ko para kaniya. Hindi naman ako nabigo dahil sobrang natuwa s'ya.

"Ang galing mo pala maggitara, Ford tapos favorite song ko pa ang tinugtog mo. I'm so touched," masayang komento n'ya na ikinangiti ko.

"Omygosh Ford! Ang galing nilang sumayaw,sana magkaboyfriend rin ako ng dancer," nakanguso nitong wika.

Nagpatulong muli ako sa kapatid ko although hindi ko hilig sumayaw ay pinilit ko pa rin matuto hanggang sa mag-improve ako.

"Ikaw ha! May talent ka pala sa pagsasayaw 'di mo sinasabi," saad n'ya matapos mapanood ang sayaw ko sa isang contest na sinalihan ko.

"Ford, look at this...Ang sweet ni boy 'no? Ang swerte talaga n'ong gf n'ya," parang naiinggit n'yang tiningnan muli ang mga pictures ng couple.

Pumasok ako sa kwarto n'ya at pansin kong busy s'ya sa pag-cecellphone.

"Kuya?"

"Oh bro, need my help again?"nakangiti nitong bungad.

Nahihiya naman akong napakamot sa ulo ko.

"Oo eh, p'ede ba?"

"No worries, Ano ba 'yon? Napakaswerte naman ng bestfriend mo, mahal na mahal mo. I can't wait to meet her,"ani Kuya.

"Soon kuya, magpapatulong lang sana ako kung pa'no s'ya isusurprise gusto ko na din kasing umamin eh," nakangiti kong wika.

"Inlove nga ang kapatid ko. Tamang-tama tulungan mo ko sa comeback surprise ko sa ex ko. I want her back, bro tsaka para magka-ideya kana din."

"Thanks kuya."

Pinanood ko lamang si kuya habang kabadong hinihintay ang masuwerteng babaeng babalikan n'ya pero sa kabila no'n ay ang malawak n'yang ngiti.

Inilibot ko ang paningin ko sa venue. Simple yet you can see na pinaglaanan ng efforts. Matuwa din kaya s'ya kapag sinurprise ko s'ya?

"Nand'yan na s'ya," kuya mouthed at me.

Shit! Ngayon pa talaga ako naiihi. Agad akong nagtungo sa CR bago inayos ang sarili ko. Nakakahiya namang humarap sa ex n'ya kung ang dugyot ko 'di ba?

Nagulat ako ng makita si kuya sa labas pagbukas ko ng pinto.

"Oh kuya, bakit ka nandito?"

"Finally bro, kami na ulit! And she wants to meet you now," Bakas ang sobrang kasiyahan sa mukha ng kapatid ko.

"Sure, congrats Kuya!"

Habang naglalakad ay namataan ko na agad ang isang babae. Napakagandang babae na s'yang dumurog sa puso ko.

"Babe, meet my younger brother, Ford. Bro meet my girlfriend, Yesha Jasmin."

Halos hindi na ako makahinga. Maging s'ya ay bakas ang pagkagulat ngunit kalaunan ay malawak na ngumiti at niyakap ako.

"Bestfriend! Kaya pala magaling kang maggitara at sumayaw mana sa kuya," natatawa n'yang saad.

Gulat na napatingin naman si Kuya sa'kin.

"S'ya ba--"

"It's okay Kuya. Ingatan mo na lamang s'ya. Ok-Magiging okay lang ako. Enjoy the moment and co-congrats."

Malungkot akong ngumiti sa kanila.

"I'm sorry bro."

Tinanguan ko na lamang s'ya bago agad na umalis sa lugar na iyon kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Durog at wasak.

Hindi ko akalain na ang taong minahal ko ay s'ya palang taong gustong balikan ng kapatid ko. Kaya pala.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now