ART 47

3 0 0
                                    

CRUSH MO RAW AKO

"GOODMORNING EVERYONE! YOUR PRETTY CLASSMATE IS HERE,"bati ko pagpasok ko sa room namin.

"Kilabutan ka nga ,Elaihza," masungit na komento ni crush. I really love my basher, gosh.

"Sungit naman ni Marcuz. Crush mo 'ko 'no?" pang-aasar ko dito na lagi kong ginagawa.

"Asa!"

"Crush mo talaga ako eh. Ako lang naman sinusungitan mo," ani ko.

"Dahil naiinis ako sa 'yo."

"Wushu, sabi nga Diane crush mo daw ako eh."

"Yuck, niloloko ka lang n'on," parang naiinis na wika nito. Bahala ka hindi kita titigilan.

"Ba't sabi din nung kapatid mong si Airen crush mo daw ako?" pagnguso kong saad dito.

"F*ck! W-wag kang makinig sa mga 'yon." Mukhang nainis na nga ito dahil tumayo na sa upuan at balak atang lumabas ng room.

"Yiee, crush mo 'ko 'no?" muli kong pang-aasar dito habang natatawa.

"Never," masungit nitong sagot at tutuloy na sanang maglakad.

"Sayang, sabi pa naman ng pinsan mo kapag ni-reject mo daw ako bigyan ko daw siya ng chance," pagpaparinig ko dito.

Nakita ko namang pinapanood kami ng mga kaklase ko habang nagpipigil ng tawa 'yong iba. Watch and learn, classmates.

"What?" Nagulat ako nang agad itong lumapit sa akin.

"B-bakit?"

"Don't you dare to give him a chance," seryosong wika nito.

"Bakit crush mo na ba ako?"nakangiti kong tanong na ikinapula nito.

"No-Fine! Oo na crush na kita. Just stay away from him," namumula nitong saad at hindi makatingin sa'kin.

"Sa wakas umamin ka din pero charot lang 'yong mga sinabi ko kanina hahaha. Ikaw Marcuz ah, crush mo pala ako," pang-aasar ko dito na ikinatulala niya.

"Baliw ka talagang babae ka."

"Baliw sa'yo. Hahahaha"

"Nice one Ela"
"Sana all atapang atao"
"Idol na kita ela hahaha"

Umiiling na iniwan niya ako habang namumula. Sabi na eh crush talaga ako ng crush ko.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now