ART 24

3 0 0
                                    

KAPAG AKIN, AKIN LANG

"Ang ganda ng drawing ni Nics, nakakainggit naman," nakasimangot kong saad.

"Mas maganda ka, huwag kang papakabog," tugon ni Marky, ang ultimate crush ko. Sheyte! Teka, parang line ko 'yon ah?

"Gaya-gaya! Line ko 'yan eh!" sigaw ko sa kanya na ikintawa niya.

"May pangalan mo? May kasulatan ba na pag-aari mo 'yon ha?" sumbat naman niya na ikina-inis ko. Ekis ka sa 'kin.

"Nasaan na 'yong pencil ko?" bulong ko habang hinahanap ito. Patay, mamaya na namin ito ipapasa.

"Baka na kay Marky, may napulot kasi 'yon kanina," wika ng katabi kong si Maria.

Automatikong napalingon naman ako kay Marky at nakita kong gamit nga nito ang lapis ko.

"Hoy, Marky bakir nasa 'yo ang lapis ko?" iritang tanong ko pero ngumisi lang si gago.

"Ito? Sa 'yo ba ito?"

"Oo!"

"May pangalan mo ba? May kasulatan ba na pag-aari mo ito?" Nanlumo naman ako nang gamitin na naman niya ang linyang 'yon.

Bwisit! Next time papangalanan ko na talaga.

Nakanguso akong bumalik sa upuan at hinintay na lamang dumating ang aming guro.

"Okay class pass your drawings."

Tatayo na sana ako para magpasa nang pigilan ako ni Marky at umupo sa tabi ko.

"Bakit?"

"Pirmahan mo daw ito. I-validate mo daw ang activities ko sabi ni Ma'am," wika niya.

Hindi na ako nag-abalang tingnan 'yon dahil sa pagmamadali. Pinirmahan ko agad 'yon.

"Thanks."

"Excuse daw kay Ms. Virtudazo."

Sino namang mag-eexcuse sa 'kin? Agad akong nagtungo sa pinto para makita kung sino 'yon.

"Oh Cris, bakit naligaw ka dito?" tanong ko sa kaklase ni kuya na may gusto daw sa 'kin.

"Ah-eh p'wede ka bang ihatid mamaya?" nahihiyang sambit nito.

"Oka---"

"Hindi p'wede. Akin siya. Back off dude," nagulat ako sa biglang pagsingit ni Marky.

"Problema mo? Bakit may pangalan mo ba ako ha? May kasulatan ba na pag-aari mo ako?" nakangising saad ko, panggagaya sa kanyang linya.

"Oo."

Nanlaki ang mata ko ng pagpalitin niya ang ID naming dalawa at may papel pa siyang ibinigay.

Napanganga ako nang mabasa ang nakasulat na may signature ko pa sa baba.

"RIMARI SHEEN VIRTUDAZO is MARKY'S PROPERTY. She's mine. Only mine."

"See? Kapag akin, akin lang."

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now