ART 32

3 0 0
                                    

EXAM

Shit! Ang hirap naman nito. Bakit ba kasi hindi ko maalala. Napatingin naman ako sa katabi kong si Dwight, ang gwapo lalo ni crush kapag seryoso. Bahala na nga. Nag ini mini minimo na lang ako doon sa mga hindi ko alam ang sagot. Napatigil naman ako no'ng nasa test IV na ako.

"Write TRUE if the statement is correct and CRUSHNAME if it is wrong." basa ko sa Direction. Napangiti ako at tinakluban ko ng maayos ang test paper ko dahil baka makita nitong katabi ko.
1. TRUE
2. DWIGHT
3. DWIGHT
4. TRUE
5. DWIGHT

"Okay class, times-up. Exchange your paper with your seatmate." No way mam! Sabi mo hindi chechekan. Patay ako nito kay Dwight.

"Mam, akala ko po ba kayo magchecheck?" Tanong ko kahit kinakabahan na ko.

"Mahaba pa naman ang time, Ms. Mia." Wala na akong nagawa kaya nakipagpalitan na ako kay crush. Sino kaya nilagay niya? Maya ko na lang tingnan baka mahurt ako eh.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang sagot niya sa test IV. Muli kong binasa ang Direction. Narinig kong tumawa ang katabi ko. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil I'm sure parang kamatis na ang mukha ko sa hiya. Nagtaas ito ng kamay kaya mas lalo akong kinabahan, don't tell me-oh no!

"Yes Dwight?"

"Ma'am, mali po ang sinagot ni Mia sa test IV." sumbong nito. Ekis ka sakin mamaya.

"May I see?" No mam! Buking na nga ako kay crush lagot pa kay mam.

"Tumayo lahat ng naglagay ng pangalan ng crush nila sa test IV at muling basahin ang direction." Nagulat ako nang lahat ay tumayo except kay crush. Don't tell me siya lang ang tama?

Agad naman kinuha ni Dwight ang papel niya sa table ko na ipinagtaka ko naman. Nagpapalit siya ng sagot? Naku! Pero nanlaki ang mata ko nang makita ang binura niya.

"Oh ayan na, para lahat tayo mali." Napangiti naman ako ng pinaltan niya 'yong tamang sagot niya ng pangalan ko. Shemay nekekeleg eke.

"Kayo talaga mabuti na lang at may isang tumama. Buti pa si Dwight," iling na sabi ni Ma'am.

"Ma'am, mali din po si Dwight oh." Ngingiti-ngiti ko namang pinakita kay mam ang testpaper nito.

"GRADE 6 PA LANG KAYO ANG HAHAROT NIYO NA! LAHAT MINUS 10!"

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now