ART 67

3 0 0
                                    

INTERVIEW

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa napakataas na building kung saan ako mag-aapply ng trabaho. Inalintana ko na ang kaba na nararamdam at lakas loob na ngumiti. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga nagtatrabaho dito dahil napakapormal at mukha otorisadong mga tao. Palingon-lingon lang ako sa paligid at hindi namalayan na may nabunggo na pala ako.

"Aray naman kuya, tingin ka naman sa dinadaanan mo," saad ko dito dahil sa inis. Tumilapon ba naman kasi lahat ng laman ng requirements ko. Alam kong may mali ako pero nakakainis lang kasi.

"Pasensya na, Miss. Hindi ko naman sinasadya," tugon niya na binalewala ko dahil sa aligaga ako sa pagpulot ng mga gamit ko. Napansin ko naman na lahat sila ay napatingin kaya nginitian ko na lamang sila bago nahihiyang hinarap ang lalaki.

"Lagot ka sa 'kin kapag hindi ako natanggap sa trabaho," bulong ko dito bago iniwan. Sigurado akong empleyado din 'yon sa building na 'to. Hindi kasi maipagkakailang gwapo pero nakakabadtrip lang talaga. Alam kong ang attitude ko kanina pero nadala lamang ako dahil sa inis.

Muli akong huminga ng malalim bago naglakad papunta sa aking pupuntahan.

"Next, Miss Almario." Nang marinig ko ang pangalan ko ay mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo at pumasok sa interview room. Kinakabahan ako habang naglalakad papalapit sa lalaking nakatalikod. Kayo na po ang bahala sa akin, Lord.

"Have a sit," utos nito na agad kong sinunod. Ang laki ng boses niya parang mangangain ng tao. Nagulat ako nang bigla itong humarap at seryosong tumingin sa akin. Nilamon naman agad ako ng hiya at kaba. Siya 'yong lalaking nakabangga ko kanina. Patay, wala na talaga akong pag-asang mahired.

"Goodmorning, Sir. Here's my requirements and uh-uhm sorry for what I said a while ago." Binigyan lamang ako nito ng malamig na ekspresyon bago kinuha ang folder ko.

"Miss Kyla Almario"

"Yes, Sir."

"24 years old."

"Yes, Sir."

"Single"

"Yes, Sir."

"Applying to be my wife?"

"Yes, Sir."

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa naging sagot ko. Kita ko naman ang pagsilay ng ngisi sa kaniyang labi.

"You're hired. You can start loving me, now. Pack all your things and bring it to my house. I'll go home early, my future wife."

Nagkamali ata ako ng inapplyan.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now