ART 16

3 0 0
                                    

WALANG JOWA

Hindi ko talaga maintindihan ang kulo ng dugo nitong bestfriend ko. Parang laging galit sa mundo. Mas mapait pa sa ampalaya.

"Gusto kitang isayaw ng mabagal~" malakas kong pagkanta habang nakaupo sa bench at nagpapahinga. Tamang kagagaling lang namin sa practice.

"Tumahimik ka nga Kiera para kang naiihing kambing eh," mataray nitong saad.

"Wow! Coming from you. Nahiya naman ako sa golden voice mo."

"Whatever."

"Tama--"

"Water for you Miss."

Napatigil ako sa sasabihin nang may gwapong lalaki ang lumapit sa akin.

"Thank you koya," mahinhin kong saad dito. Ang gwapo grabe.

Tiningnan ko naman ang bestfriend ko at todo irap ang loka. Mahulog sana eyeballs mo.

"Lande," sambit pa nito.

"Ikaw Miss, gusto mo ba ng tubig?"

"No thanks, I can buy my own," maarteng wika nito at muling nag-cellphone.

"Okay. By the way, Kiera right? Can I ask you out for a date?" Ani koyang gwapo. Naiihi na ko sa kilig.

"OMG! How did you know my name?" gulat kong tanong sa kan'ya.

Narinig ko namang bumulong ang katabi ko na ikinatawa ko.

"Psh, ang harot talaga."

"Matagal na kasi talaga kitang gusto. Ngayon lang ako naglakas ng loob," parang nahihiyang saad ni koyang gwapo.

"Asus, Don't worry gusto din kita. I love you," tugon ko dito.

"Talaga? I love you too."

"PUTANG-INA N'YO! PARANG HINDI KAYO MAGJOWA AH! UMALIS KAYO SA HARAP KO AT NAGDIDILIM ANG PANINGIN KO. RESPETO NAMAN SA WALANG JOWA OH!" galit n'yang wika bago padabog kaming iniwan.

Ba't s'ya ang umalis? Haha atleast nasira na namin ng boyfriend ko ang araw ni bestfriend. Hahaha.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now