ART 17

3 0 0
                                    

Pangakong Napako

"I love you, babe. Pangako Nica hinding hindi kita iiwan punyeta niyang pangako! Oh, asan siya ngayon? Ayon iniwan ako ni gago!" sigaw ko habang nag iinom. Hayop na lalaking 'yon, ang galing mangako hindi naman marunong tumupad.

"Anong nangyari ba kasi Nica?"tanong ng bestfriend kong si Jerald.

"Ayon 'yong gunggong kong boyfriend este ex iniwan ako matapos mangako. Gago siya! Hindi pala sinabing sa ibang bansa mag-aaral. Nagmakaawa pa ko sa harap niya na okay lang ang LDR pero si mokong hindi daw niya kaya ang LDR. Peste!" Wala akong pakialam kahit nakikita niya akong umiiyak.

"Sus, binalaan na kita hindi ka naman nakinig sa 'kin."

"Ang sabihin mo, kayong mga lalaki manloloko," sabi ko pa dito na ikinakunot ng noo niya.

"Hoy, huwag mo namang lahatin hindi ako ganon. Look at me Nica." Dahil ayokong tumingin sa kaniya ay hinawakan niya ang baba ko at iniangat para magtama ang aming mga mata. Seryosong-seryoso siya, malayo sa Jerald na kilala ko.

"Nandito pa ako Nics. Mahal kita matagal na natatakot lang akong ma-friendzone pero ngayon hindi ko kayang makitang nasasaktan ka. I promise you Nics na ikaw lang ang mamahalin ko nang higit pa sa pagmamahal ng gago mong ex. Can you give me a chance to prove it to you?"

"Ye-yes," sagot ko kaya agad niya akong hinalikan sa noo.

- - - -
"I promise you Nica na ikaw lang mamahalin ko tang-ina kang gago ka may babae ka! Hindi mo man lang sinabing naging dalawa pala ako. Hindi man lang ako nainform. May pa hindi hindi ka pa ganon, eh nag-iba ka lang ng istilo ng panloloko ulol! Mga pangako niyong napako!Sinayang mo lang friendship natin! Gago! "

Mama Ayoko na magmahal! Huhuhuhu.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now