ART 44

3 0 0
                                    

BOYFRIEND

Malayo pa lamang ay tanaw ko na sya. Automatikong nanlisik ang mata ko. Sana naman makonsensya sya.

"Ano Pierce? Masaya kana ba ha!" agad kong sigaw sa kaniya na nakaagaw ng atensyon ng iba.

"Hindi ko naman 'yon ginusto, Alice," paiyak nitong sagot.

Sige lang makonsesya ka.

"Hindi ginusto? Ang sabihin mo mang-aagaw ka!" lalong nagsidamihan ang mga nanonood sa amin.

Eskandalosa na kung eskandalosa.

"Hayaan mo naman akong maging masaya. Simula mga bata pa lang tayo laging ako ang nagpaparaya sayo. Intindihin mo naman ako." paawa ka pa kala mo naman maaawa ako.

Lalong nag-ingay ang mga nakakarinig sa amin. Kanya-kanyang bulungan na tila ba alam na nila ang nangyayari.

"So gumaganti ka, Pierce?! Alam mong may girlfriend 'yong tao tapos lalandiin mo? How dare you. Ganyan kana ba kadesperada para mang-agaw ng boyfriend? at sa kakambal mo pa talaga!" halos kapusin ako ng hininga sa sinabi ko.

Tuluyan naman siyang napatanga at natulala. Hanggang sa bigla nyang pitikin ang noo ko.

"Gaga, wala kang jowa. Huwag ka ngang assuming diyan. Ibalik mo sapatos ko mamaya."

"Hehe wala pala ako non. Sorry na nacarried away lang."

"Mga Gago"
"Tangina sapatos lang pala"
"Kala ko sabunutan na"
"Wala naman palang jowa"

Napatawa na lang kami sa reklamo ng manonood bago sila nagsi-alisan.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now