ART 4

5 0 0
                                    

PAASA

"Bes, si Kayrox mylabs mo oh."

Automatic na napangiti naman ako nang matanaw si crush. Shit, makakasalubong namin siya.

"Maganda na ba ako bes?" confident na tanong ko kay Jane.

"Ofcourse, mana ka sa 'kin eh hahaha."

"Gaga."

Habang papalapit, napansin kong nakayuko lang si Kayrox at may hawak na papel.

Saktong dumaan pa ito sa mismong gitna namin ni Jane. Papansin din si crush eh.

"Oy, asan si Kayrox?"sigaw ko sa classroom nang mapansing wala ito.

"Ayan oh," turo ni Jane, saktong dating naman ni Kayrox.

"Ayieeeeeeee"
"Lamporeberrrr"
"Sana allll"

Taena pahalata 'tong mga kaklase ko eh. P'wede ako muna guys? Potek kinikilig ako. Si crush naman todo ngiti, aba't mukang proud na crush niya ako ah.

"Kayrox, It's a yes," masiglang sigaw ko sa kaniya.

"Huh?" maang nitong tugon. Asus, painosente si crush. Gusto ko 'yan.

"Deny pa more, ikaw ah ang effort. May paganito ka pang nalalaman kahit hindi na naman kailangan," nakangiting wika ko habang pinapakita 'yong papel na may nakasulat na 'I LIKE YOU. CAN I COURT YOU?'-Kayrox.

Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa hallway kanina at mga kinikilig pa. Ang sweet talaga ni crush.

"Type mo pala si Yunis pre"
"Road to forever na this"
"Magbe-break din kayoo"

Nakita ko namang kumunot ang noo niya.

"Sorry. Nagkamali ata ako ng lagay kanina. It should for you Jane. Hindi ko siguro napansin kanina dahil nakayuko ako."

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig.

"Huh, ako?" inosenteng tanong ng kaibigan ko.

"Yes Jane, Can I court you 'cause I really like you," saad pa nito. Taena niya.

"Wow! Parang hindi ka nagkamali Kayrox ah. Ekis kana sa 'kin ngayon. Paasa kang mokong ka, eh hindi ka din naman papatusin ng bestfriend ko kasi may jowa na 'yan. Quits lang tayo. Pakyu!"

Huhu uncrush ka sa 'kin ngayon. 'Di mo nga ako crush, 'di ka rin naman crush ng crush mo.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now