ART 35

6 0 0
                                    

"Anong gusto niyong motif ng ball natin para makapagsuggest ako. Blue or red?" tanong ko sa mga kaklase ko.

"Blueeee"
"Blueeeee"

"Mas maganda ka babe!" nagsitilian naman ang klase ng sumigaw si Zeve. Pinagsawalang bahala ko na lamang 'to kahit kinikilig na.

"Noted. Suggest naman kayo ng food na masarap, kulang pa kasi 'yong nasa list ko eh."

"'Wag ng magsuggest tutal mas masarap ka naman."

"Woaahhhh"
"Smo0oo0th"
"Harooot"

Pigilan niyo komababato ko 'to ng pagmamahal este ng ballpen ko. Kalma Jeda, papansin lang 'yan.

Iniripan ko na lamang 'to at nagpatuloy sa ginagawa.

"Nevermind. Ano na lang mas gusto niyo umorder or lutuin na lang?"

"Syempre, mas gusto kita!" lalo namang nag-ingay ang klase dahilan para mainis ako.

Taena hindi na ako kinikilig. May period pa naman ako ngayon.

"MR. CASTILLO, UTANG NA LOOB KUNG HINDI KA MAKIKIOPERATE, LUMABAS KANA MUNA!" galit na sigaw ko dito. Masyadong maharot.

Nagulat ako nang lumabas nga 'to. Aba, walangyang 'to ah. Bahala siya sa buhay niya kung natitiis niya ako, eh.

"Ok---oh ba't ka bumalik?" nagtataka kong tanong dito.

"May nakalimutan ako," nakangiting sagot nito bago hinawakan ang kamay ko.

"Ano naman?"

"Hindi ano kundi sino, tara na babe 'wag kana magalit. Libre kita ice cream sa labas. I love you." nakangiti nitong saad. Wala na rumupok na 'ko.

"I love you too."

"Ang rupoook"
"Walang poreber"
"Hihiwalay din kayooo"

"WALA LANG KAYONG JOWA!" natatawang sigaw ko pabalik sa mga 'to.

"Pakyuuuu!"

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now