ART 8

5 0 0
                                    

CALL

"Leo ikaw ang cameran man then Jasmin ikaw naman ang bahala sa script na--"

'Ang mga ibon~
Na lumilipad~

Hanep ang ringtone ni crush ah. Hulihin ko 'yang ibon mo eh.

"Excuse me, I'll just take this call," saad nito bago tumayo at lumayo sa amin.

Dahil dakila akong chismosa at gusto kong malaman kung sino ang tumawag sa bebe ko kaya sinundan ko 'to.

"Yes? Okay, Ako na ang bahala," natatawang sabi nito sa kausap. Aba aba, ba't napapatawa n'ya ang bebe ko?

"Take care, I'll fetch you later."

Taena iba na 'to. May nagbabalak atang umagaw sa bebe ko. Agad naman akong may naisip na kalokohan.

"Babe, who's that? Ba't ang tagal mo kanina pa 'kong nasa kwarto," malakas na sabi ko making sure that the person over the phone will hear me.

"What---"

"Babae mo ba 'yan? How could you cheat on me!" maarte pang dagdag ko na lalong ikinakunot ng noo nito.

"No bro, she---"

"Matapos kong ibigay ang lahat sa'yo tapos lolokohin mo lang ako!" halos matawa na ako sa itsura niya.

"Tumigil ka Ella."

"No! Manloloko ka matapos ang lahat!"

"She's just----"

"At hindi mo pa talaga titigilan 'yang katawaga--" Natulala ako ng bigla n'ya akong hapitin at halikan.

"I said shut up babe. I'm talking to your brother and now we're doom." Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya kaya agad kong inagaw ang phone n'ya.

"He-hello kuya?"

"HOY ELLAISA! UMUWI KAYO NGAYON DIN DITO NI LIAM! MASYADO KAYONG MAPUPUSOK! ANG BABATA N'YO PA. PAG-UUSAPAN NATIN 'YANG NANGYARI SA INYO!"bulyaw nito sa akin.

Patay!

"Hindi nam--" hindi ko na naituloy ang sasabihin nang kunin ito ni Liam at patayin.

"Ba't mo pinatay? Mapapatay ako ni kuya!"

"Sana naisip mo 'yan bago mo ginawa 'yon. And besides I didn't cheat on you babe masyado ka namang selosa. Tara na nga," nangingiti nitong sabi. At nakakangiti pa talaga s'ya?

"Tara sa'n?"

"Sa kwarto sabi mo inip kana 'di ba? Mamaya na tayo pumunta sa inyo. Totohanin muna natin 'yon. Dito lang pala kita makukuha,"nakangising wika nito.

"Tangina mo!"

Balakajan kuya honeymoon muna kami hihihi.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now