ART 31

3 0 0
                                    

BASKETBALL

"Precious, ang hot ng crush mo maglaro," wika ng katabi kong si Diane pagpasok namin sa gym kung saan nagaganap ang final basketball game ng school.

Tinitigan ko naman si Andrei, ang ultimate crush ko. Damn, Ang gwapo niya talaga.

"Sinabi mo pa,matagal na 'yang hot sa paningin ko. Sana nga lang manalo sila."

"Harot ah, pero tiwala lang."

-
"Congratulations Blue team and to your MVP, Mr. Andrei Josh Ibasco Cang!"

Naghiyawan at nag-ingay ang crowd nang i-announced ang blue team as a winner for this year.

Gusto ko man siyang i-congrats at lapitan pero mas pinili ko na lamang manatili sa aking pwesto. Hindi talaga ako nababagay sa kanyya. 'saka ayaw ko makigulo sa mga fans niya.

"Anong masasabi mo sa pagkapanalo niyo?" tanong ng emcee sa kaniya.

Nagulat ako ng magawi ang tingin niya sa akin at ngumiti. Tumango na lamang ako bilang sagot pero hindi ko inexpect na maglalakad siya papalapit sa akin.

"I'm happy. Very very happy. And I want to get my prize, can you give it to me, Ms. Precious  Leslie Necesito?" hinihingal niyang wika habang nakatayo sa harapan ko at hawak ang microphone.

Lumingon naman ako sa paligid namin at lahat ng atensiyon at mga mata ay nasa kanya or should I say, nasa amin?

Kinakabahan ko naman siyang tinanong.

"H-ha? Ano bang sinasabi mo, Andrei," pinagpapawisang tanong ko dito. Shit, ang mga paro-paro sa tiyan ko.

"Will you be my prize, Ms Necessito? Can you be my girl?" nakangiting wika niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Napuno ng hiyawan at tilian ang gym na siyang ikinapula ko. Sasagot na sana ako ng biglang may tumawag sa 'kin.

"PRECIOUS TABIIII!"

"BOGSSHHH"

Lilingunin ko na sana kaso tumama na ang bola sa ulo ko dahilan para mahilo ako.

"Ano ayos ka lang? Ba't kasi ang tanga-tanga mo bestfriend! Sinabi ko lang na hot ang crush mo nag-daydream ka na naman!" dinig kong reklamo ng kaibigan ko bago ako mawalan ng malay.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now