ART 60

4 0 0
                                    

BALLPEN

"Magkokopya lang daw tayo ngayon sabi ni Ma'am, page 14-20 daw," tinatamad na announce ng President namin. Dami na namang kopyahin.

Nilabas ko ang libro at notebook ko pero hindi ko makita ang ballpen ko. Nasa'n na iyon?

"Joys, nakita mo ba ballpen ko?" tanong ko sa katabi ko.

"Hindi, Zandra eh." Kainis! Saan na ba kasi 'yon?

"Woy, sinong kumuha ng ballpen ko? Mamatay na talaga!" Malakas na sigaw ko sa classroom.

"Ayos lang mamatay basta sa pagmamahal mo!" tugon naman ni Gray, ang escort sa room na crush ko. Agad nawala ang inis ko sa halip ay namula dahil do'n.

"Smoooooth"
"Lamporeberrrr"
"Yieeeee"

"Baliw!" muli kong sigaw dito.

"Sayo!" Napapikit naman ako dahil sa kilig.Kalma, Zandra. Pinilit ko pa ring maging seryoso at lakas loob itong hinarap.

"Ikaw ang nagnakaw ng ballpen ko 'no?"matapang na tanong ko dito.

"Hoy future misis ko, aaminin kong magnanakaw ako pero hindi ko pag- iinteresan ang ballpen mo." Natahimik naman ako at isinantabi ang kilig.

"Magnanakaw ka?" seryosong tanong ko kaniya.

Ramdam kong tumahimik ang klase.

"Oo," simpleng sagot nito.

Nagsinghapan naman ang klase. Parang hindi mga makapaniwala.

"Magnanakaw ng puso mo, yieee. Sagutin mo na kasi ako, Zandra myloves."

"Tang ina"

"Landeeee"

"Gago!" sagot ko na lang dahil sa sobrang kilig.

At ayon nga, pare-pareho po kaming hindi nakakopya dahil sa kaharutan.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now