ART 41

3 0 0
                                    

HE'S A GHOST

"Kiss muna kasi ako Bree,alam ko namang type mo ang mga lips ko eh,"natatawang asar ng bwisit na lalaking ito.

"Kiss your ass! Kadiri ka, hindi ka nga ata nagto-toothbrush," maarte kong wika na ikinangiwi niya.

"Arte nito, s'werte mo nga ikaw ang magiging first kiss ko if ever," nakapamewang niyang saad na ikinapula ko. He really doesn't know his effect on me.

"Whatever."

Mag-iisang buwan na din pala simula ng makilala ko si Aki. Siya lamang ang naging kaibigan ko simula ng lumipat ako. Baliw daw kasi ako kaya ayaw nilang makipagkaibigan sa akin.

"Hoy, nandito na tayo sa inyo." Napatigil ako sa pag-iisip nang marahan niya akong banggain. Nandito na pala kami sa bahay.

"Hindi ka ba muna papasok?" tanong ko sa kaniya habang nagdo-doorbell.

"Nandiyan kana pala, Pumasok kana para makapagmeryenda na tayo," aya ni mama.

"Wait ma, papakilala ko muna ang kaibigan ko sa inyo. Si Aki--" Napatigil ako nang makitang wala na siya sa tabi ko. Nasaan na ang kumag na 'yon?

"Nasa'n Bree? Wala naman akong nakitang kasama mo."

"Wala po pala, ma. Nakauwi na po ata," nakangiti kong wika ngunit lumingon-lingon pa rin.

"Oo nga pala, bukas ang schedule nang pagbisita natin sa ate mo."

Nanigas na naman ako nang muling marinig ang pangalan ng aking kapatid. Muli akong ginapangan ng kaba at takot. Biglang nawala lahat ng iniisip ko.

-
Ito na ang pinakakatakutan ko. Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin.

"Halika na Breena, hinihintay na tayo ng ate Diana mo," aya ni mama.

Kinakabahan akong pumasok sa kaniyang kwarto. Naririnig ko ang malalakas niyang tawa at boses habang kausap ang aming ina. Halos hindi ako makahinga nang lumingon ito sa akin.

"Anong ginagawa ng babaeng ito sa kwarto ko, ma?" malamig niyang turan. Ang kaninang ngiti sa kaniyang mga labi ay mabilis na naglaho.

"A-ate..."

Nagulat ako ng bigla niya akong lapitan at sakalin.

"Umalis ka ditong mang-aagaw ka! Malandi ka! Inagaw mo siya sa akin! Mamatay kana!" Nahihirapan mang huminga ay pinilit ko siyang yakapin.

"Bitawan mo ako! Lumayo ka sa aking mang-aagaw ka!" Marami na ang umawat sa kaniya hanggang sa mailayo nila ito sa akin.

"Lumabas ka muna anak,"nag-aalalang wika ni mama.

Ayaw pa din niya sa akin. Mapait akong napangiti. For the nth time, napagkamalan na naman niya akong girlfriend ng ex-boyfriend niya. Tuluyan na siyang nabaliw dahil sa pagmamahal sa lalaking iyon. Umiiyak akong lumabas ng kwarto niya.

-
"Ang tamlay mo, Bree," tanong ni Aki ngunit hindi ko siya magawang sagutin.

"May problema ka ba? Share naman diyan," muli nitong saad pero walang gana ko lamang siyang tiningnan. Wala ako sa mood ngayon. Masyado pa ring mabigat ang mga nangyari no'ng isang araw.

"I love you," nakangiti niyang wika na kumuha ng atensyon ko.

"Finally, nakuha ko din atensyon mo," napapabuntong-hininga niyang saad.

"What did you say?" Hindi ko alam kung bakit ko iyon naitanong.

"Wala, Ang sabi ko ang ganda mo."

"Tss."

'Yon ang naging huling pag-uusap namin ni Aki dahil tatlong araw ko na siyang hindi nakikita sa school. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil sinungitan ko siya noon o baka nagkaproblema lang siya sa kanila.

Nami-miss ko na ang kaniyang pang-aasar. Wala na din akong nakakasabay kumain at umuwi. Ramdam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kan'ya pero parang may pumipigil sa akin.

"Hmm,  Jean nakita mo ba si Aki?" lakas-loob kong tanong sa kaklase namin. It's may first time na nakipag-usap ako sa kaniya. Dala na rin siguro ng sobrang pag-aalala.

"Aki? Sinong Aki?" nagtataka niyang tanong.

"Aki Castillo."

"Are you kidding me, right? Matagal na siyang patay and his full name is Akiro Castillo. Hindi mo ba alam ang kwento?"

Kinilabutan ako sa aking narinig. Akiro Castillo? He can't be. Bagamat nanghihina ay muli akong nagtanong.

"P-p'wede mo bang ikwento sa akin?" nag-aalangan kong tanong sa kaniya.

"Sure, Aki has an ex-girlfriend and hindi niya matanggap na wala na sila. That time ay may girlfriend si Akiro na nangngangalang Alexa. Akiro was killed 3 years ago by his psycho ex-girlfriend. Dahil doon napiling magpakalayo ni Brina sa takot na lamang na baka isunod siya nito. Then, a year ago nagsimulang magparamdam si Akiro sa mga estudyante. Nagpakita siya sa isang estudyante na kamukhang-kamukha ni Alexa. He really loves her na hanggang sa ngayon ay hindi niya pa din makalimutan."

"Anong nangyari do'n sa kamukhang babae ni Alexa?" Nanghihina kong tanong matapos marinig ang kwento niya.

"That girl fell inlove with him but she never saw him again. He left without goodbye," pagpapatuloy nito.

Unti-unti nang nabubuo ang ideya sa isipan ko.

"Did you know who's his ex-girlfriend?" Kinakabahan kong tanong.

"Diana, Diana Gonzales. She's your sister, right?" nakangisi niyang tanong na para bang kilala niya ako.

"H-how did you know? Who are you?"

"'Cause I'm that girl, Breena. I'm Alexa's twin at ang babaeng pina-ibig ni Akiro. So I'm warning you, huwag kang mahuhulog sa taong matagal ng patay. Remember, magkamukha daw tayo sabi nila," matapos iyon ay iniwan niya akong tulala.

It explains everything. Kaya pala ako kinamumuhian ng sarili kong kapatid ay dahil kamukha ko ang babaeng minamahal ni Akiro.

At ang mas masakit pa kamukha ko lang pala ang taong minamahal niya.

How ironic that I fell inlove with a ghost. How I wish, I was dead.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now