ART 22

3 0 0
                                    

BIGGEST MISTAKE

"Love, nakikita mo 'yang magandang bahay na iyan? Mas maganda at mataas pa diyan ang bahay na ipagagawa ko para sa atin," aniya habang nakaturo sa bahay na aming nadaanan.

"Asus,magtapos muna tayo ng pag-aaral 'saka parang sure na sure kana sa future natin ah." Naningkit naman ang mata dahil sa sinabi ko.

"Syempre naman love, ikaw lang naman ang mamahalin ko eh. Sa 'yo ko lang nakikita ang future ko," nakangiti niyang wika habang hawak ang mukha ko.

"Bolero, halika na nga baka hinahanap na ako ni   Mama."

Habang pauwi ay hindi ko maiwasang mapangiti. He keeps on talking about our future house, business, babies and ofcourse our life. I'm very happy that he's my boyfriend. I'll never regret loving and accepting him in my life. Napakasipag at futuristic niyang tao na hindi ko kailanman nakita sa iba. I'm hoping na sana siya na.

"Samahan mo naman ako sa Mall, Cess," aya ni Wendy, bestfriend ko.

"Wala ako sa mood mag-shoppin, Wendz," walang gana kong sagot dito.

"Lemme back your mood. Sige na, wala kasi akong kasama. Hahayaan mo ba akong mag-isa?"

"Fine."

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kung hindi ako sasama, sandamakmak na pagdadrama na naman ang gagawin niya.

"Cess, 'di ba sina Kiro at tita Lexi mo 'yon?" biglang saad ni Wendy habang naglilibot kami sa mall.

Tiningnan ko naman ang sinasabi niya and she's right, magkasama nga ang boyfriend at tita ko.

"Babe, which one is---Cess?" gulat na gulat si tita nang makita ako.

"Lo-love?"

"Baby pala huh? Mukhang nakakaistorbo ako sa date niyo. Sige una na ako." Naiiyak akong tumalikod sa kanila habang pinipigilan ang luha.

"Let me explain, Love." Nagmamakaawa ang mukha niya pero isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya.

"Manloloko! Nakakadiri ka, Hindi ka na nahiya at sa matanda ka pa pumatol. Dahil ba sa mapera ang tita ko ha? Sabagay ganiyan naman kayong mga mukhang pera. Tara na,Wendy." Nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko.

Gusto kong bawiin lahat ng mga sinabi ko pero mas lumalamang ang galit na nararamdaman ko.

"Will you marry me?" my man asked.

"Yes, Yes, Yes!"

Lumandas ang luha sa mga mata ko. Masayang-masayang niyakap ni Kiro si tita Lex. Aminin ko man o hindi, may nararamdaman pa rin ako para sa kaniya.

Agad akong lumabas dahil hindi ko na makaya ang nakikita ko. Gusto ko munang magpahangin.

"Cess? What are you doing here? Gabi na," nagulat ako nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko.

Sobrang saya ang naramadaman ko kaya agad ko siyang niyakap.

"I miss you, Love." Naramdaman kong nanigas siya dahil sa ginawa ko.

"C-Cess, stop it, Ikakasal na ako." Para naman akong sinaksak sa narinig.

"Mahal mo pa naman ako 'di ba? I'm sorry sa mga nasabi ko, papakasalan mo lang si tita dahil sa pera niya 'di ba? Please tell me, ako naman talaga ang mahal mo hindi ba?"

Desperada na kung desperada but I want him back. Galit na ekspresyon ang ibinagay niya sa akin.

"Hindi na kita mahal Cess at hindi na ikaw ang babaeng minahal ko. Ikakasal na ako sa tita mo at kahit kailan hindi ko naisip na pera lang ang habol ko sa kaniya. Look at me, I became an engineer now dahil nagsumikap ako at hindi dahil sa pera ng tita mo. Nakakatawa nga lang na siya pala ang makakatuluyan ko."

"Liar! Matagal na kayong may relasyon!" Hindi ko mapigilang magalit.

"You're wrong, Cess. No'ng time na nakita mo kami sa mall? Hindi 'yon totoo. Napagkamalan kaming couple ng tita mo sa mall so we just have to pretend a couple para makamura ako ng kuha sa damit na regalo ko sana sa Anniversary natin."

Halos hindi ako makagalaw dahil sa narinig ko.

"P-pero bakit kayo magkasama?"

"Nagkataon lang na nakita niya ako doon so I asked her to help me to find a gift for you kahit hindi ako sigurado kung kakasya ang perang dala ko pero hindi mo ako pinakinggan. But you know what? Your tita didn't left me. She was there the time that I was broken at minahal ko siya dahil tinanggap niya ako, Cess."

Halos hindi ako makahinga sa mga naririnig ko mula sa kaniya. Nagkamali ako. Hinusgahan ko agad siya.

"Nagsumikap ako para makapagtapos ng pag-aaral ng walang hinihinging tulong sa tita mo because I want to prove to you and to everyone na minahal ko siya hindi dahil sa pera niya. And I did it.'Yong dating pinandidirian mo noon, engineer na ngayon. I even build my future house that should be for us. But I am very happy to live to that house with your tita." After he said that, he left me. Broken and full of regrets.

Para pala sa akin lahat ng iyon but I didn't give him a chance to explain. I made the biggest mistake of my life. Nasa tamang tao na ako pinakawalan ko pa.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now