ART 23

4 0 0
                                    

HE'S SICK

"Totoo bang may sakit si Zendrix?"one of our classmates asked me.

"Oo eh, pupuntahan ko nga siya ngayon. Sige mauna na ako ah,"tugon ko sa kaniya bago nagmadaling umalis.

Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. I want to see him and take care of him. Parang gusto ko nang takbuhin ang distansya na mayroon kami. I hate it everytime na naiiwan siyang mag-isa. Wala na siyang magulang at tanging tito na lamang niya ang nagpapa-aral sa kaniya.

Nang makarating sa kaniyang bahay ay sinalubong ako ng kanilang katulong. Sabi nito ay mataas daw ang lagnat ni Zendrix. Agad akong nagtungo kung nasaan ang kaniyang kwarto.

Kumabog ng mabilis ang aking dibdib nang makita ang mga pictures and arts sa kaniyang kwarto. Iwinaglit ko muna iyon pansamantala at tiningnan ang lalaking nanginginig sa lamig. Napatakbo ako palapit sa kaniya.

"Love." Nakapikit ito at pinagpapawisan ng malamig. Nang hawakan ko siya ay halos mapaso ako sa sobrang init nito.

"I'm here. Dadalhin na kita sa hospital,"saad ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang buhok.

"S-stay here, Love. D-don't leave me,"ramdam ko ang takot base sa kaniyang boses. Nanatili ako sa kaniyang tabi.

"I love you, Love." Hindi ko inexpect na 'yon ang sasabihin niya kaya napangiti ako. Para na siguro akong tanga dahil sino ba naman ang matinong tao na nagagawa pang kiligin kapag may sakit ang kaniyang boyfriend.

"I love you too, Love. Bwisit ka, alam mo talaga ang kahinaan ko,"sambit ko sa kaniya.

"I love you, Xyrene. It'll always be you,"sambit niya habang nanginginig sa lamig na ikinapawi ng aking ngiti.

Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata nang muli kong iikot ang aking mata sa lugar kung saan kami naglalaro noon.

Hindi ako ang babaeng laman ng mga larawang iyon. Hindi ako ang  babaeng kasama niya sa bawat litrato. Hindi ako ang laman ng bawat sulok ng kaniyang kwarto. Mapait akong napangiti.

I almost forgot that I am not Xyrene. I will never be his love of life. I will never be my twin sister.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now