ART 63 (I)

3 0 0
                                    

HOTDOG

Kasalukuyan kaming nakabilog na magkakaibigan at kumakain ng aming lunch. Nakita ko ang ulam ni Francis kaya naman natakam ako.

"Uy Francis, patikim naman ng hotdog mo," saad ko dito.

"Shit!"

"Tangina"

"Tubig please"

Napatingin ako sa mga kasama namin. Anong nangyari sa mga 'to?

"Ayos lang kayo?" tanong ko sa kanila. Pare-pareho naman silang tumango tila nagpipigil ng tawa. Pinili ko na lang na 'wag silang pansinin at ibinaling ang paningin ko sa hotdog ni Francis.

"Uy Francis, sige na kasi patikim ng hotdog mo kahit konti lang."

"Fuck Rose!"

"HAHAHAHA"
"LT KA ROSE!"
"PATIKIM DAW CIS!HAHAHAH!"

Kita ko ang pagpula ng tenga at mukha ni Francis. Bulong pa siya ng bulong ng mura kahit rinig ko naman. Really? What's wrong with them?

"Anong nangyayari sa inyo? Masama ba na makitikim ako sa hotdog mo Francis?Ang damot mo naman kung ganon," nagtatampo kong wika dito.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at parang kamatis na ang mukha sa pula. Inilapag niya ang pagkain niya sa table ko.

"Oh, sayo na yan at baka ibang hotdog pa maipatikim ko sa 'yo." Pagkasabi niya no'n ay dali-dali siyang lumabas.

"Problema no'n?" tanong ko sa barkada pero pare-parehas lang silang nagkibit balikat at nagpigil ng tawa.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now