ART 6

5 0 0
                                    

CHICKEN

Ang boring naman ng araw na ito. Valentines day ba ngayon? Ba't hindi man lang ako nag-eenjoy? Paano naman kasi masyadong busy si crush.

And speaking of my bebe, biglang akong ginanahan nang matananaw ko ito. Nasa stall s'ya. Oo nga pala ABM student s'ya. Kawawa naman 'di man lang nakapa enjoy ang bebe ko.

Tamang-tama gutom pa naman ako. Makain nga si crush este makakakain. Shit! Ang cute niya sa apron na suot.

"Paorder din ako Kier," mahinhin kong wika dito.

Ngumiti naman siya bago saglit na pinahid ang pawis gamit ang braso. Shit! Let me do it for you baby.

"Anong order mo Janelle?"

"Hmmm, Fried rice, softdrink and chicken. Tig wa-one piece."

"Anong gusto mong part ng chiken?"

"Maging parte ng buhay mo."

"Huh?"

"I mean syempre hita."

"Okay, sige maupo ka muna," sumunod naman ako sa sinabi niya at naghintay.

Natapos ang ilang minuto at sinerve na n'ya pero nagtaka ako ng wala doon ang chicken.

"Kier, nasaan 'yong order kong chicken?" napangisi naman s'ya at lumapit sa akin.

Tinaggal n'ya ang apron na suot bago biglang hinawakan ang kamay ko na s'yang ikinagulat ko.

"Mamaya pa 'yon. Tara na?"

"Sa'n naman tayo pupunta?" nagtataka kong tanong dito pero ang loko inakbayan lang ako.

Paano kumalma? Paano ha?

"Sa marriage booth. Kanina pa kitang hinihintay kaso ang tagal mo. Halika na baby at magpapakasal pa tayo. I can't wait na maging parte ka ng buhay ko."

Tulala na lamang akong nagpatangay sa kaniya.

Pigilan n'yo ko makakain ko 'to.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now