ART 63 (III)

7 0 0
                                    

HOTDOG

"Roseee! Andito si Francis sa baba!"

"Opo maaa, susunod na po!" kahit tinatamad pang bumangon ay nag-ayos na ako. Ano na naman kaya kailangan ng mokong na 'yon.

"Kailangan mo?"pasiring kong tanong sa kaniya pagbaba ko ng hagdan.

"Sorry na, Rose. Wag kana magalit." tinalikuran ko agad s'ya at umakyat muli sa kwarto. 'Yan lang pala ipinunta. Sorry niya mukha niya. Matapos niya 'kong pagtawanan kahapon.

Ramdam ko naman na sumunod siya sa'kin kaya umupo ako sa gilid ng kama. Pumasok naman s'ya at sinarado ang pinto.

"Sorry na, babe. May dala akong pasalubong sa 'yo." Nabuhay naman bigla ang mga alaga ng ateng niyo sa tiyan.

"Talaga? Ano 'yon?" nilapitan naman niya ako at umupo sa tabi ko.
 
"Kiss mo muna ko."

"Patingin muna." Kukunin ko na sana ang bag niyang hawak ng nilayo niya 'to sa akin.

"Ano ba kasi 'yan?" inis na tanong ko sa kaniya.

"Bread roll." Shit! nagutom ako bigla. Nagke-crave na 'ko. Gusto ko pa naman ng hotdog kasi favorite ko.

"Patikim naman," nakangusong sabi ko.

"Kiss mo muna ko." ngumuso pa ang mokong kaya tinulak ko ang mukha niya gamit ang kamay ko.

"No. Patikim muna ako."

"Sige na nga. Buksan ko lang zipper." Binuksan na nga niya ang zipper ng dala niyang bag at nilabas ang isang tupper ware na may lamang bread roll.

"Ang sarap niyan, babe." Parang nagningning ang mata ko nang makita ang  pagkain. Kumuha naman siya ng isa.

"Say ahhhhh"

"Dahan-dahan lang ah. Masyadong malaki." Tumango naman siya at sinubuan ako.

"Masarap ba?" Nakangiti niyang tanong.

"Superrr! Isa pa----"

Nagulat kami ni Francis nang biglang bumukas ng malakas ang pinto.

"Kayo talagang mga bata kayoo! Masyado kayong mapupusok!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Don't tell me kanina pa s'ya nakikinig at namisunderstood niya-- oh no!

"Ma, nagka----"

"Huwag kana magdahilan. Francis, dalhin mo ang mga magulang mo dito mamayang gabi! Mag-uusap kami."

Patay magkaka asawa pa ata ako nang dahil sa breadroll. From now on, ayoko na sa hotdog ni Francis. Pahamak masyado huhu.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now