Page 45

127 27 6
                                    


Craig pov:

"Miracle where's First?"

Tatlo lang kasi silang magkasamang pumunta dito sa kinauupuan naming lamesa. —it's her, Jelly and Ash.

Napapansin kong magkasing-ugali lang si First at ang mga kaibigan niya ngayon. Kaya siguro nasasakyan nila ang trip ng isa't isa.

"She's still sleeping." bahagyang ngiti ni Miracle.

Napangiti naman ako sa emosyong nakikita ko sa mukha niya. Bahagya na kasing nababawasan ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya ngayon..

I was thinking maybe may magandang nangyari between her and First.

I remember what happened last night na kahit naasar ako ng kunti kay First dahil sa pagpapalagay nila ng tattoo ni Miracle, I'm also happy hearing her laugh again because of me.

Naalala ko tuloy ang unang tawa niya noong nakita niya akong nakasuot ng dress ni Mama. Ganoon daw ang ginagawa ng mga batang lalake sa probinsiya kapag matapos magpa circumcised.

Umasa akong sana umpisa na iyong nangyari kagabi upang bumalik ang samahan naming tatlo ni Miracle.

I know she still cared. I felt it.

"Goodmorning boys." nakangiting bati ni Tita Leticia sa amin, ang ina ni Khrys.

Kasama niya pa si Tito Clint at si Lace na bunsong kapatid ni Khrys.

"Goodmorning po Tita.. Tito.. Hello Lace.." bati ni Mickey sa kanila.

Tumango lang ang ilan sa amin at nakipaglitan din ng pagbati sa mga magulang ni Khrys.

"Mom, Dad.. —this is Ash, Jelly and Miracle.. our new friends." nakangiting pagpapakilala din ni Khrys sa mga babae.

"Hello po tita, tito.. Ang ganda po ng camp niyo." si Ash ang unang bumati.

"Haha. Salamat young lady." ngiti ni Tita Leticia sa kanya.

"Ang cool din po.. ngayon lang ako nakapunta ng camp na may pool. Hihi. Sino pong nagdesign at nakaisip nito? Pwedi ko po bang makilala? Mahilig din po kasi ako sa mga designs pero damit nga lang ang dinidesign ko." mahabang sambit ni Jelly.

"Ahh, ako ang nakaisip ng Resort Camp na ito iha." sagot ni Tita sa kanya.

"Ohh my gosh! Nice to meet you po." sambit ni Jelly at lumapit pa ito kay Tita upang makipagbeso.

"Hello Clover." napasulyap naman ako kay Lace na kinukulit na naman si Clover.

Kahit noong kabataan pa nitong si Lace, open na talaga siya sa nararamdaman niya para kay Clover.

"Hi." tanging sambit ni Clover at bumalik ulit ang bagot na bagot niyang pagmumukha.

Nanatili na din kaming tahimik habang nag-uusap ang mga kaibigan ni First at si Tita Leticia habang si Lace naman ang pilit pa ring kinakausap si Clover na kung hindi tango ay iling ang isasagot nito.

Ilang minuto pa kaming naghintay ng dumating na din si First kasama si Tork at ang kapatid nitong si Butter.

Napatingin ako sa kamay niyang nakaakbay pa kay Tork na kagabi ko pang gustong ihiwalay sa kanya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz