Page 15

270 97 149
                                    




Get out!! Umalis ka sa pamamahay na ito!!!"
nanggagalaiting sigaw ng madrasta ko..

Kakaapak ko pa nga lang sa loob ng mansyon paaalisin na kaagad ako..

Nakangisi ko lang siyang tinignan at kibit-balikat na nagpatuloy humakbang papunta sa kwarto ko..

Pero napabalik na lang ang tingin ko ng marahas niyang hinablot ang braso ko.. Impakta talaga siya.

"First!!!! I said get out!!!! Hindi ka na pwedi sa mansyong ito! Lumayas ka na hindi ba? Bakit bumalik ka pa huh!!!!" pagdidiin niya.. Halos lumuwa na ang mata niya sa galit niya sa akin.. magkapantay na din ang kilay at bunbunan niya sa taas nito.. Tsk! Bagay talaga sa kanya ang rule na Evil witch step-mother..

Binalingan ko siya ng tingin at muling napangisi.. Natutuwa talaga akong tignan kapag nanggagalaiti na siya sa galit.

"I'm back step-mother.." ngisi ko sa kanya.. "uhh.. tumataba ka? Masarap ata ang buhay mo kapag wala ako dito.. Tsk tsk.." napapailing pa akong tinitignan siya mula ulo hanggang paa.. "Kaya gusto kong bumalik dito eh! Natutuwa kasi akong mabawasan ang lifespan mo.. Haha.."

Lalo siyang nagalit ang halos bumaon na ang mahahaba niyang kuko sa braso ko..

"What do you want First? Bakit ka pa bumalik?!!! Tahimik na ang buhay namin dito!! Bakit ka ba nanggugulo!!???" may diin ang bawat salitang binibigkas niya indikasyong sumasabog na talaga ang galit niya..

Ang dali talagang kumulo ang dugo niya kapag nakikita na ako.. Sabagay, it's a tie! Ganoon din naman ang nararamdaman ko kapag nakikita na ang pagmumukha niya..

Lukso ng dugo? O kulo ng dugo!

"This is still my house step-mother! —and I want to stay here.." napangisi na naman ako sa mukha niya.. "I just want to feel the love and peaceful inside this house step-mother! Hahaha.."mabagal kong bigkas..

"I'm warning you First!!! Huwag mong sagarin ang pasensya ko! Alam mo na kung anong mangyayari sayo!"hindi na siya nakapagtimpi at sinigawan na niya ako..

"Tsk! Huwag ka ngang masyadong gahaman! Baka nakakalimutan mo, ako ang may mas karapatan sa pamamahay na 'to dahil sampid ka lang., sampid lang kayo ng bastarda mo!!!"sigaw ko din sa kanya na dahilan ng malakas niyang sampal sa mukha ko..

Malakas na napabaling ang mukha ko.. Nalalasahan ko na din ang dugo sa bibig ko..

Shete! Lakas pa rin manampal ng impaktang ito..

Kung hindi lang dahil sa usapan namin ni Dad hindi naman talaga ako uuwi dito..

Matalim ko siyang tinignan. Para siyang nakangising demonyita sa harap ko..

"I told you!!! Masasaktan ka kapag sinagad mo ang pasensya ko! Kaya umalis ka na!!!!" muli niyang sigaw..

"Dad want me to stay here kaya wala ka nang magagawa! Siya ang kausapin mo huwag ako.!!!" tumalim na naman ang tingin niya sa akin at mabilis na hinatak ang buhok ko. Impakta talaga siya..

"Let me go!!!"piglas ko sa pagkakasabunot niya sa akin..

"Your lying! Bakit ka naman gustong patirahin ng ama mo dito!!?? He hates you, remember??"natatawang sabi niya..— hindi pala siya naniniwalang gusto akong pabalikin ng ama ko sa pamamahay na ito. Sabagay sino ba naman ang maniniwala., they know, kahit kailan hindi naging maganda ang relasyon naming mag-ama..

"Baka natauhan na siya at gusto na niya akong pabalikin dahil alam na niya kung anong klaseng tao ka.." Ngisi ko.. niloloko ko lang naman siya sa sinabi ko pero sineryoso ng impakta! Lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasabunot sa akin kaya napa-aray na ako sa sakit..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now