Page-14

271 96 186
                                    



3 days akong suspended kaya 3 days din akong mamalagi sa unit ko.. Nahihiya akong pumunta sa bahay nila Butter baka malaman ng parents niya ang ginawa ko kaya nagtitiis akong mag-isa dito sa unit ko..

Tork texted me nung hapon na kaya napabalikwas ako sa higaan ko.. Mabilis akong nag-ayos at nagmamadaling pumunta sa bahay nila..

Naabutan ko pa si Tita Mag at Tito Bash na nag-uusap sa may beranda kaya nakangiti ko silang binati bago pumasok sa kwarto ni Tork..

"Hey! Anong balita?" bungad ko kaagad sa kanya.. He's busy surfing his laptop again at nag-search katulad pa rin ng binilin ko sa kanya..

"I found him.." simpleng sagot niya na nakapag-seryoso ng pagbaling ko sa laptop niya..

"Nasa Nueva Ecija siya.. a secluded part of the province.."sabi niya bago tinuro ang isang parte ng probinsiya.. "here! He's living here.. 3 months na siyang nakatira dito kaya hindi ko siya masearch sa dati niyang tinitirhan bago siya nakulong." paliwanag niya..

Napatango lang ako. Ang galing talaga ng batang ito kapag may tao akong pinapahanap sa kanya gamit ang internet.

Tork is a computer intelligent. A genius hacker kaya bilib na bilib ako sa kanya pagdating sa pagsesearch sa net..

Nalaman ko ang galing niya noong minsan niyang pinakita sa akin noon kung paano mang-hack ng program.. He is also have the high I.Q kaya madali lang niyang napag-aaralan ang lahat ng bagay.. As of me, I have an photographic memory. Madali ko lang makabisa ang mga bagay sa isang tingin o basa ko pa lang.. Ganoon ang nangyari sa long quiz namin kay Sir Jacinto noon at sa reporting.. I easily memorized what I read ngunit tamad akong magbasa dahil ayokong magseryoso.. Sumasakit ang ulo ko.. literally! May mga bagay kasi at pangyayaring pilit inaayawan ng utak ko kaya minsan sumasakit ito.

"What's your plan now First?"tanong niya..

"I don't know.. Malayo ang probinsiyang ito.." wala pa akong kotseng magamit dahil binawi ito ni Dad..

"I also found another person First." muli na naman siyang may pinindot sa screen at pinakita sa akin ang taong matagal ko nang hinahanap..

"Where is she Tork?!"seryoso kong tanong sa kanya..

"She's in Pampanga.." sagot niya at nagpipindot nang kung ano sa screen..

'Felicity Natividad.'basa ko sa screen.

"Dito siya nakatira simula noong mamatay ang Mama mo First."

Napatingin ako sa screeen. 8 years na din ang nakakaraan noong mamatay si Mom. Kilala niya pa kaya ako?

Sumakit ang ulo ko sa pag-iisip kung sino ang una kong pupuntahan at hahanapin. Ang hirap pa ng sitwasyon ko dahil wala akong sasakyang magamit..

Naputol lang ang pag-iisip ko ng biglang pumasok si Butter sa kwarto ni Tork at walang-pasabi akong hinatak papasok ng kwarto niya..

"Anong nangyari sayo? Na-suspend ka daw?"tanong niya..

"Ang slow mo naman, kahapon pa Butter." ang tagal naman niyang malaman ang balita..

"Natural, paano ko naman malalaman iyon kung hindi ka nagpaparamdam sa amin." sumbat niya..

Napairap lang ako sa kanya. Buti pa siya sarap ng buhay sa section -c samantalang ako, nagtitiis sa section-A..

"Bakit ka umuwi sa unit mo?!"muling tanong niya..

"Natural,"panggagaya ko sa sinabi niya.. "nahihiya ako kay Tito at Tita baka malaman pa nilang na-suspend ako kaya tiis-tiis muna ako sa unit ko mag-isa.." sagot ko.. pero ang totoo ay sinadya ko talagang umuwi muna sa unit ko dahil stress at depress ako sa mga panahong ito. I can't let them know the monster inside me dahil sigurado akong matatakot sila.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon