Page 48

140 21 3
                                    



Clover pov;

"Roar.." mahina kong bigkas ng makita ko na namang nakasuot si First ng tiger printed na damit. Pansin kong iba na iyon sa nakita kong suot niya kanina pero mas okay iyon.

Ang hindi lang okay ay magkapareha pa sila ng damit ng batang pabibo. Tsk! Couple shirt? Damn it! Gusto ko din nun.

Wala akong masamang intensyon ng pumasok ako sa kwarto nila kanina. Pahamak lang talaga itong si Krys dahil niloko akong pinapunta daw ako ni First.

Muntik ko na ngang bugbugin ang loko ng mahimas-masan ako sa gulat mula sa nakita ko. Damn it! I'm not a perve.

"Roar.." naalala ko na naman ang katangahang sinabi ko. Ang wild naman kasi ng suot niya.


Tinulungan ko si Race na kunin ang gitara  dahil gagamitin daw namin ito sa dare na gagawin namin mamaya.

"Hi Clover." bungad ni Lace sa akin ng makita niya ako sa labas ng pavillion.

Tinanguan ko lang siya kapagkuwan. Ayokong makipag-usap sa kanya dahil malaki ang porsyentong hindi na naman niya ako lulubayan.

"Sinusundo mo ba ako Clover?" tanong na naman niya habang nakangiti sa akin kaya kinunutan ko lang siya ng noo. Bakit ko naman siya susunduin?

"Hindi." bored ko lang na sagot sa kanya.

"Eh bakit ka nandito kung hindi mo ko sinusundo?" Tumapat ka pa sa pintuan ng bahay namin." nakasimangot pa siyang nakaharap na naman sa akin ngayon.

Lalo lang nangunot ang kilay ko sa ginagawa niya. Bakit kay First nagagandahan ako kapag nakasimangot siya? Bakit kay Lace hindi? Tsk! Nababaliw ka na talaga sa kanya Clover. Cancer na yan! Mahirap ng lunasan.

"Let's go." yaya ni Race ng makuha na niya ang gitarang pakay niya. Napatingin din siya kay Lace at niyaya niya na din itong sumabay sa amin papuntang camp area.

"Ako ang magdi-dare sayo mamaya Clover.. Yeah." patili niyang sambit kaya bahagya akong napalayo sa kanya.

"Tsk! Hindi ka na nagbago Clover. Ang arte mo pa rin pero huwag kang mag-alala crush pa din kita." sambit na naman niya na inilingan ko na naman.

Napaisip na naman kasi ako kung bakit naririndi ako sa boses niya samantalang sa boses ni First ay gustong-gusto kong naririnig palage.

Cancer na talaga ito.

Hinanap ko si First ng makarating kami sa camp area pero wala siya.

Hinanap ko din ang batang pabibo pero wala din ito. Tsk! Bigla na naman akong nainis. Magkasama na naman ba sila? Saan naman sila nagpunta?

Inis akong pumunta kay Craig upang tulungan siyang magluto ngunit napako na lang ako sa kinatatayuan ko habang tanaw ko sila ni First na nagyayakapan.

Parang sinaksak ang puso ko sa sakit. Ang lakas pa ng tawa ni First. Nagkabalikan na ba sila?

Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. Nasasaktan na ako ngunit gusto ko pa rin siyang nakikitang masayang tumatawa.

Talo na ba ako? Siya na ba ulit ang mahal mo First?

Ramdam kong nagtubig ang mata ko kaya napatingala ako sa langit upang hindi lang tuluyang tumulo ang luha ko.

Ganito pala ang masaktan ng sobra. Para akong sinasakal. Ilang beses akong napalunok dahil sumasakit ang lalamunan ko.

"Clover nasaan—..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon