Page 58

99 10 3
                                    



Tork points of view:

"Ahhhhh!" i heard some scream from the slide kaya napatingin ako doon.

Medyo nangunot pa ang noo ko ng pinilit kong aninagin kung sino iyon. Hinintay ko pa ang paglabas nila sa parang bitukang parte ng slide at nanlaki na lang ang mata ko ng maaninag kong si First ang nandoon sa unahan. Kasunod naman niya ang isa pang kaibigan niya na pinanggagalingan ng sigaw at sina Ivory kasunod ang isa pa nilang kasamang babae.

"What the hell." halos pabulong ko lang na sambit bago mabilis na lumusong sa tubig papunta sa malapit nilang babagsakan. She's afraid of water, right? Bakit siya nagpadulas?!

Ilang segundo ang nagdaan ng tuluyan na siyang bumagsak sa pool kaya mabilis ko namang nahawakan ang kamay niya habang napailalim siya sa tubig. Mabilis ko pa siyang nailayo sa parteng babagsakan din ng mga kasama niya pero wala namang sumunod na bumagsak sa tubig. Saan sila nagpunta?

"Tork." napalingon siya sa akin at nag-aalala pa niya pa akong tinawag na dapat ako ang mag-alala sa kanya.

"What the hell First? Bakit ka nag-slide?!" painis kong tanong sa kanya na inilingan lang niya bago may tinitignan sa likuran ko.

"First, andito si ate Sage." i heard ate Jelly said kaya napatingin na din ako kung saan nakatingin si First.

Tumingin lang ito sa akin ngunit ng tumingin na ito sa tabi ko ay nagbigay ito ng kakaibang ngisi na di ko alam kung bakit.

"Kumusta First?" tanong nito. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni First sa kamay ko kaya nagtataka akong napalingon sa kanya.

Seryoso lang siyang nakatingin sa harap niya kaya lalo akong nagtaka.

"Gaga, diba takot ka sa tubig? Bakit ka nagpadulas?" rinig ko pang sambit ng kapatid kong slow.

"Hahahhaha. She's not." automatiko akong napatingin sa pagtawa ng ate ni ate jelly na Sage ang pangalan. Naguluhan pa ako sa sinabi niyang 'she's not'. Sino? Si First ba ang tinutukoy niya?

"And she's not afraid to kill too." dagdag pa ni Sage.

"Ate, ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan namang tanong ni ate Jelly sa kanya. "hindi magandang biro 'yan ate." dagdag pa nito.

"Why?" nakatawa niya pa ring baling sa kapatid niya. "Hindi mo ba alam na mamamatay tao ang kaibigan mo?!" sambit nito na nagpagulat sa aming lahat.

"What the fuck are you saying?!" galit na singit ni Clover sa sinabi niya.

"Bakit hindi niyo tanungin mismo si First? Ask her who killed her mother?!" galit nitong sambit na nagpabaling naman ng tingin namin kay First.

Nagpapalit-palit lang ang tingin namin sa kanilang dalawa. Ramdam ko ang galit ni ate Sage pero si First ay parang tulala lang na nakatingin at nakikinig sa sinasabi niya.

Is it true? Hindi ako slow pero parang ayaw iproseso ng utak ko ang katotohanang ayaw tanggapin ng puso ko.

"F-first?" rinig kong tawag ni Clover sa kanya pero hindi man lang niya ito nagawang lingunin.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon