Page 46

139 27 8
                                    


First pov;

Andito na kami sa training ground at kaharap namin ngayon ang firing field.

Ito pala ang naisip na training ni Krys na pinagmamayabang niya..

Pinagsuot pa niya kami ng damit pangsundalo at binigyan ng kanya-kanyang water gun na may mga kulay ang tubig na laman.

"Ehhh.. ang cool natin, parang totoo talaga tayong sundalo." natutuwang sambit ni Butter habang sinusuot ang goggles.

"Oo nga.. tuloy pa rin pala talaga ang huntingan. Ahahaha." si Ash naman na kunwaring kinakasa ang dalang water gun.

"Ayusin niyong umasinta huh! Kailangan nating matalo ang mga lalake para sila ang maparusahan." pagbibilin ni Jelly. "Go Huntress!" dagdag niya pang sigaw habang tinataas ang water gun.

Kung sino kasi ang matatalong grupo ay gagawin ang dare na gustong ipagawa ng mananalo.

Tsk! Ano yun? Pambata?

Isa-isa na kaming nakatayo mula sa entrance ng firing field. Hindi na ako nagsuot ng goggles dahil may shades naman akong mas maganda tignan at nasisiguro ko din namang hindi ako matatamaan.. Warrior to men!

"Handa na ba kayong matalo girls? Hihi." nakangising sambit sa amin ni Race ng lumapit ito sa amin. Yabang!

"Yabang mo kuya Race.." sagot sa kanya ni Lace.

"Oo nga.. Huntress kami kaya kami ang mananalo.. Better prepare yourselves for the dare boys." sabi ni Ash..

"Baka kayo ang dapat mag-prepare girls. Woahh.. —oyy First, kinakabahan ka na ba?" baling nito sa akin.

Kinunutan ko siya ng kilay. Bakit naman ako kakabahan?

"Ako ang magdi-dare sayo mamaya kaya humanda ka. Haha." makahulugan pa niya akong kinindatan. May pinaplano pa ata ang isang to.

"Tsk!" kaagad na react ni Clover.

"Oyy dude.. don't worry para sayo 'to." sabi pa ni Race kay Clover at tsaka inakbayan niya ito.

Inikutan ko na lang sila ng mata. As if naman na matatalo niya ako.

Nag-umpisa na ang labanan namin kaya kanya-kanya na kaming pwesto.

Tigda-dalawa kami ng kasama para mabantayan namin ang paligid ng bawat isa.

Magkasama si Ash at Jelly na hindi talaga napaghihiwalay at pumwesto sila sa kanang bahagi.

Si Butter at Miracle naman ang magkasama sa kabilang pwesto ng field kaya kami ni Lace ang magkasamang nagbabantay sa gitnang bahagi.



"I like Clover." taas-kilay nitong sambit sa akin.

Nagtaka naman akong napabaling sa kanya. Tinanong ko ba?

"So?" tamad na sagot ko dito. Eh ano naman kung gusto niya si Clover. Ang tanong gusto din kaya siya? Tsk! Hindi ako bitter.

"Mas bagay kami." sambit na naman nito sa akin kaya tuluyan ng napataas ang kilay ko sa kanya. Bagay sila?!   —-Maldita siya.

"He's looking at you kanina pa. Anong meron sayo na wala ako?" tahasan niyang tanong. Naka cross-arm pa siyang nakatingin sa akin at tumataas-taas pa ang kilay niya.. Kamukha siya ng mga spoiled brat na nangbubully sa k-drama.

Gusto ko tuloy matawa sa pagtataray niya.

Nagmamaldita siya hindi niya alam mas maldita ako sa kanya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon