Page 43

156 34 13
                                    



My heartfelt dedication to miss autumn and miss kamielle.. Thank you for supporting..

4ophelia_Autumn kamielle1024

Try their story too guys..

————————-

Miracle pov;

"Kung di mo kaya, wag mo nang ituloy." nagulat na lang ako ng lapitan ako ni First. Natatakot akong magpalagay ng tattoo dahil takot ako sa matutulis na bagay. And I know she still remembered it.

Napatingala ako sa kanya. Malamig ang pagkakasabi niya sa akin ngunit iba ang nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.

"K—kaya ko naman First." sambit ko na lang. Umaasa ako na sana mapansin niyang gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko ngayon.

Napansin kong nag-umpisa ng maglagay ng tattoo si Top mula sa likuran ko. Gusto kong magpanic at sumigaw dahil sa kirot pero ng makita kong hindi pa rin umaalis si First sa harap ko, lihim na lang akong napapangiti at lalo ko pang tinitibayan ang loob ko.

I am afraid of needles and some sharp objects. Nag-umpisa ito ng mabully ako sa school noong bata pa ako.

One of my bully classmate stabbed me gamit ang matulis na bahagi ng lapis at muntik ng tamaan ang mata ko kung hindi ko lang nasangga ang kamay ko kaya ito ang tinamaan. Kaya simula noon nagka-trauma na ako sa mga matutulis na bagay.

I was being bullied dahil wala akong magulang. Lola ko lang ang kasama ko noon kaya ayaw makipagkaibigan ng ibang bata sa akin.

They bullied me everyday hanggang sa umuuwi akong laging may galos.

But one day, First saw me habang umiiyak ako. Lumapit siya sa akin at masama lang niyang tinignan ang mga kaklase naming nambubully sa akin.

Hindi ko inasahang lalapitan niya ako nung mga sandaling iyon dahil pansin kong tahimik lang siyang bata.

After that day, I already wanted her to be my bestfriend.. Napatingala ako sa kanya at unti-unting tinignan siya sa mata..

and now here I am.. —wanted her again to be my bestfriend.


First pov;

Tsk! Pinipilit pa niya eh takot naman siya sa karayom.

Tahimik ko lang siyang tinitignan. Hindi ko din alam kung bakit di pa ako bumalik sa upuan ko at pabayaan na lang siyang mamutla sa takot. Ginusto naman niya itong ginagawa niya eh.

Pero takte! Dejavu..

Andito na naman ako sa harap niya just like when we are in grades school when I first approach her.

Tsk! Kelangan talaga ako ang unang lumalapit?

Dahan-dahan siyang napatingala sa akin at maya-maya ay napatingin sa mga mata ko.

Napako na lang ang titig ko sa kanya. Gusto kong mapairap. Try harder Miracle.. I still hate the look in your eyes.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya na sakto namang dumating si Craig.

"What the—- .. hey! What are you doin?" nagtatakang tanong kaagad ni Craig ng dumating. Tinignan niya pa ang tattoo ni Miracle na isang kembot na lang at matatapos na.

"Tattoo." bored kong sagot sa kanya.

"Maganda ba?" nahihiyang tanong din ni Miracle sa kanya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now