Page 28

204 56 133
                                    



Clover pov;

"What the fuck!!!"

Malakas akong napamura ng madatnan ko na naman ang unit ni First. Gaya ng una kong nakitang parang nadelubyo ang unit niya, ganoon pa rin ang nararamdaman ko ngayon. Gulat, takot at pangamba. Nag-aalala ako kung ano na namang nangyayari sa kanya.

"First!!!" malakas kong tawag sa kanya habang hinahanap siya sa kung saang sulok ng unit niya.

Mabilis akong napapasok sa kwarto niya ngunit di ko pa rin siya nahahanap. Kinakabahan akong tinalunton ang isang kwartong nakasarado pa at napapalunok pa akong pihitin ang siradura nito ngunit madilim lang na silid ang nakita ko.

"She's not here!" frustrated kong sambit habang napapasabunot na sa buhok ko. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa at dinial ang number niya ngunit wala ding saysay dahil naiwan niya sa higaan niya ang phone niya.

"Where are you First!?" sobra na akong nag-aalala sa kanya. This is the second time na nadatnan ko ang kwarto niya sa ganitong ayos at alam kong hindi siya okay. May mali sa kanya kaya hindi ko maiwasang mangamba sa mga oras na to.

Wala akong maisip na matawagan. Wala din naman akong number ng magulang niya o kaya doon sa baby niya. Tsk! Bigla akong napaismid sa huli kong binanggit.

Si Acid ang nauna kong naisip tawagan at nagbabasakaling alam niya kung nasaan si First. Hindi na ako nag-iisip kung tamang tao pa ba ang tatanungin ko pero wala na akong pakialam dahil sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya.

Nag-ring ang phone niya at sa pangatlong tunog nito tsaka niya sinagot. Nainis pa ako kung bakit hindi sa pang-unang tunog niya sinagot.

"Hey., do you know where is First?" mabilis kong tanong sa kanya.

"No. Why?"

"Her friends? Alam mo ba ang number nila?"

"No. Why?"

"That Tork kid, may contact ka?"

"Wala. Bakit nga?"

"Tsk! Bye.." wala din siyang alam kaya pinatay ko na ang tawag pero siya naman ang tumawag sa akin kaya bigla akong nainis. Mag-iisip pa kasi ako kung sino pa ang tatanungan ko.

"Hey. What happen? Is everything okay? Anong nangyari kay First?" natataranta na din niyang tanong.

"Tsk! She's fine, okay!" sabi ko na lang kahit taliwas iyon sa totoong kalagayan niya ngayon. Ayokong malaman nilang may mali kay First dahil alam kong ayaw din ni First na malaman nila iyon.

"I thought may masamang nangyari sa kanya."

"No! Wala.." sana nga wala dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung may masamang mangyari sa kanya.

Pinatay ko na ang tawag at dinial ang number ni Craige dahil baka may alam siya kung nasaan si First.

Nag-ring ang phone at kaagad naman niya itong sinagot.

"Do you know where is First?" wala nang paligoy-ligoy na tanong ko sa kanya.

"She's with me." kaagad niyang sagot.

"What? How is she?" Sigaw ko sa kabilang linya. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Pag-aalala at inis dahil sa lahat ng tao siya pa ang kasama nito.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now