Page 36

173 37 103
                                    


A/n: this page is for the friendship, friendshipness.. friends for life ni First. Hahaha.. —the bullies but not so bully.

————————

Ash pov;

Ashterile Villavicer at your service beb. — ang hot chick na napag-iinitan ng mga bitter.

Nasa kasarapan ako ng malalim kong tulog ng biglang may walang pusong nang-storbo dito. Muntik ko nang ibato ang phone ko kung hindi lang ito mahal. Hayst.. Makukurot ako ni Mommy kapag nasira ko ito.

"Hello!" bulyaw ko sa kabilang linya. Antok na antok pa ako at kelangan ko pa ng tulog. Napuyat kasi ako kagabi kaka-stalk ng mga thai actors. Hihi ang gwapo ni Sarawat! Gosh Gusto ko tuloy makapunta ng Thailand.

"—— hello Ash pakibilisan may camping tayo. Bye." sambit ng storbo sa kabilang linya. Ano daw?

Ilang segundo ko munang prinoseso sa utak ko ang sinabi niya. Tinignan ko pa ang phone ko kung sino ang caller. First lady?

"—may camping?" natanong ko pa sa sarili ko.

"Camping?!!" napabalikwas ako ng bangon at mabilis na hinagilap ang mga gamit kong pang-camping. Yahoo! Minsan lang itong mangyari sa buhay ko. Na-excite ako.

Mabilis akong nag-ayos ng gamit katulad ng bilin ni First. Kaagad ko ding pinuntahan ang kwarto ng mga magulang ko na nagulat pa dahil ang aga-aga ko daw nagising ngayon.

"Parents.. — Mom, dad.. — guess what?" paunang sabi ko sa mga magulang ko. Sumigaw pa ako kahit nasa pintuan pa lang ako ng silid nila kaya napabalikwas pa sila.

"What?!" gulat na sabi ng mga magulang ko.

"OMG! Mag-cacamping kami nila First.. I am so excited na! Gosh!!" hestirikal kong sambit na inungusan lang ng mga magulang ko. Hindi ba sila na-excite? First time mangyari ito sa buhay ko.

"Okay! Take care.. — tanging sambit lang nila at pinalabas na ako sa silid nila. Naabala pa ata ang ginagawa nila dahil sa pagpasok ko. Tsk. Ang parents ko talaga,— gusto pang humabol ng isa.

Nag-iisang anak lang ako ng mga Villavicer kaya gustong-gusto na talaga nila akong sundan kaya lang malas ata ako sa kapatid dahil ilang beses ng nakukunan si Mom. Nalulungkot din naman ako pero wala naman din akong magawa para doon.

Sumaya nga ang mga magulang ko nung minsang nakitira si First dito sa amin pero ilang linggo lang ay umalis din siya.

Gustong-gusto siya ng mga magulang ko dahil mabait naman siyang tao. Napapatawa niya pa ang mga ito at nagiging play ground ang bahay namin kapag magkasama kami. Pareho kasi kaming mapaglaro.. — pero hindi naman namin pinaglalaruan ang puso. Hihi.

————————

Jelly pov;

Ann Jelly Mendoza— the campus crush.. —- lahat ng campus crush ay crush niya.

Maaga akong nagising ngayon. —Pero ang totoo hindi talaga ako natulog kaya kahit maaga ay gising pa rin ako.

I'm busy with my designs. Pangarap ko kasing maging isang designer in the future kaya mahilig ako sa mga damit. Damit ang gustong-gusto kong idrawing at minsan ko na din madesign ang costume ni First noong may acapella sa school.

Naging perpekto siyang taong damu noon. Hihi.

Thats the art of my precious hands.. Perfect!

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now