MatViP Finalè

170 11 5
                                    


ps.: medyo mahaba.. 😂

***

"W-what .. a-are you a ghost?" nauutal niyang tanong sa akin habang hindi niya mawari kung hahawakan niya ba ako o huwag na lang.

"Hmm.." ngiwi ko lang sa tanong niya. Sa hitsura niya kasi ngayon ay parang isa talaga akong magandang multo na nagkatawang sexy na tao. Tsk!

"A-are you.. -." napalunok pa siya ng malalim bago pa dagdagan ang tanong niya. "..totoo ka ba talaga? C-can I touch you?" tanong niya ngunit nagawa na niya akong mahawakan. Impaktong sigurista. Tsk.

"Impaktong lalake ka!" bumwelo pa ako bago siya bulyawan. "Ilang beses mo na akong nayakap tuwing laseng ka tapos may pa-multo multo ka pang sinasabi diyan!" singhal ko sa kanya. Napaatras naman siya sa sinabi ko. Nakunot niya pa ang noo niya na parang naguguluhan talaga siya sa sinasabi ko sa kanya ngayon.

"Is that real? I .. I mean I thought I'm just dreaming.. or imagining that you're with me.." paliwanag naman niya na nagpataas na ng kilay ko.

Taray! Imagination lang pala ako sa mga sandaling iyon.

"Iniimagin mong naghahalikan tayo habang laseng ka? Kung saan-saan na nga napupunta 'yang makasalanan mong kamay tapos imagine lang 'yun?! Clover ilang gabi 'yun.. haba naman ng imagination mo., ano 'yan? walang limit?" naiinis akong umirap sa kanya.

"You never told me na buhay ka.."

"Kingena! May multo bang nahahalikan? Lalong lalo na, nahahawakan?!" singhal ko ulit sa kanya.

"F-first.." medyo napailing pa siya ng sambitin niya ang pangalan ko.

"Oh ano? sa ganda kong 'to papagkamalan mo kong multo?"

"I- I'm sorry.. you.. you die in my arms that day. . I .. I really thought, you really leave me love." mahina niyang sambit. Bakas sa mukha niya ang lungkot at sakit na hindi pa rin natanggal kahit sa tagal ng panahon mula ng mangyari ang pag-iwan ko sa kanya.

"Tsk." sambit ko na lang upang matago ko lang ang namumuong guilt sa puso ko dahil sa ginawa kong iyon. Alam kong natagalan ang pagbalik ko. Sinadya ko ding huwag na munang ipaalam sa kanya na buhay ako dahil gusto ko munang buoin ang sarili ko.. kasama ng taong higit kong kailangan sa panahong iyon.. Sa mga panahong sumuko na akong mabuhay.. sa mga panahong hindi na ako makausad pa dahil nalubog na ako sa lungkot at tuluyan ng pinanghinaan ng loob.

"I miss you.. I miss you so damn much." naiiyak niya pang sambit at nagbalak pang lapitan ako.

Umiwas ako sa paglapit niya. Kung akala niyang wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay niya ay nagkakamali siya.

"Ah kaya pala.. kaya pala close na kayo ni Lace ngayon.. hmm?" sumbat ko. Yeah.. kahit nawala ako ng dalawang taon, patago ko pa rin siyang pinupuntahan. Gabi-gabi, kapag alam kong naglalaseng na naman siya ay pumupunta ako dito sa unit niya upang maabutan lang siyang umiiyak habang nakatingala sa kalangitan.

"What? .. where just friends.." kunot noo niya pang sabi na hindi ko alam kung guilty ba siya o guilty talaga.

"Ah, okay.. mabuti naman.. papipiliin pa naman sana kita kung bala ba o granada." nakangiti kong sambit kalaunan.

"A-ano?" pangungumpirma pa niya.

"Ahh.. hihi wala.. sabi ko maganda.. maganda ako Clover." ngisi ko na lang.. baka kasi matakot ang impakto.

"Ohh.. yeah." sambit niya.

"So—

"Who's that?" natigil ako sa pagsasalita ng may biglang nag-doorbell sa labas ng pintuan niya.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon