Part 80

105 9 2
                                    


First points of view:

"How are you?" halos pabulong na tanong ni Tork sa akin ng mahatid na niya ako sa higaan ko.

"I'm fine now Tork, baby." sagot ko naman sa kanya habang inaayos ko na ang pagkakaupo ko sa kama. Ilang segundo pa siyang tumahimik bago ulit magsalita.

"I'm sorry about last time.. I just want you to stay and not leave me again First." tunog pakiusap niyang sambit na nagpaiwas ng tingin ko sa kanya.

"What if mawawala ako at bigla na lang ulit magpapakita sayo., will you forgive me again?" sambit ko sa kanya kalaunan. Tahimik siyang yumuko sa harap ko. Pansin ko pa ang paggalaw ng balikat niya kasabay ng mga mahihina niyang hikbi.

"Baby?" mahinang tawag ko habang hawak na ang balikat niya at pilit siyang pinapaharap sa akin.

"Hindi na ba talaga kita mapipigilan First?" basag ang boses niyang sambit niya habang nanatili pa ring nakayuko sa harap ko.

"Baby don't cry please.." sabi ko habang di ko mapigilang tumulo na din ang luha ko. Lumingon siya sa akin bago niya pa ako mahigpit na niyakap.

"I w-want to help you First.. p-please sabihin mo sa akin ang plano mo just like before.. I.. -I want to be part of it again.. p-please let me help you. H-hindi ko kayang mawala ka kaya gagawin ko ang lahat para matulungan ka lang.. H-hindi ko man alam kung anong gagawin mo pero ramdam kong lalo akong malulungkot kapag tuluyan mo ng nagawa iyon." mahabang salaysay lang niya na nagpahigpit ng yakap ko sa kanya.

"I'm sorry Tork.. hindi ka na pwedeng madamay sa pagkakataong ito.. buhay ko na ang nakataya dito kaya ayokong pati buhay mo ay manganib din dahil sa akin."

"I can help you.." pagpupumilit pa rin niya.

"Please baby.. -if ever na mawala ako.. I promise, I will be back..hmm? ..h-hindi man kaagad.. pero balang-araw ay babalik din ako.." pangako ko sa kanya na hindi ko din alam kung magagawa ko ba talaga.

"Paano kung hindi ka na b-bumalik?" umiiyak niya pa ring sambit.

"K-kung mangyayari man iyon.. F-forget about me Tork para hindi ka na lalong malulungkot.. Kalimutan mo ang lahat ng tungkol sa akin para hindi ka na masasaktan.."

"N-no! Never.. I will never forget you First.. hinding-hindi iyon mangyayari kaya please.. don't hurt me like this.. I'm- ..I'm begging you to stay this time.. I.. I love you.. you know it, right?"

"Tork?"

"I love you.. I love you.. I love you.." paulit-ulit niyang sambit habang nakayakap pa rin ng mahigpit sa akin.

"M-mahal na mahal kita First kahit.. k-kahit alam kong si Clover ang mahal mo.." malalim akong napalunok sa patuloy niyang pagsasalita. "..o-okay lang naman 'yun sa akin eh.. okay lang na kapatid lang ang turing mo sa akin basta huwag ka lang mawala.. basta lage lang kitang makikita.. sapat na iyon sa akin First.. y-you're my First love.. and maybe my last.." sambit niya na lalong nagpatigil sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko., hindi ko alam kung ano ang uunahan kong maramdaman. Ang awa ba o ang lungkot. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ngayon ay baka sobra pa akong nagpasalamat sa kanya.. pero sa mga sandaling ito, sobrang nasasaktan ang puso ko.. Labis ko na naman siyang nasaktan at alam kong sa mga susunod na araw ay mas lalo ko pa siyang masasaktan.

"I'm s-sorry Tork.." hingi kong patawad ulit habang humihikbi na akong kayakap siya.

"I l-love you too baby.. Mahal din kita., -bilang kapatid ko.." ramdam ko ang pagbaon niya ng mukha siya bandang leeg ko. Hindi ko siya balak saktan.. hinding-hindi sumagi sa utak ko na gustuhin siyang masaktan pero wala na akong magagawa pa ngayon..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now