Page 73

100 10 6
                                    



First points of view:

Naalimpungatan akong nagising. Nagulat pa nga ako ng may katabi pala ako ngunit lalo pala akong nagulat ng mapagtanto kong wala pala akong saplot habang yakap-yakap ako ng impaktong si Clover na halatang nakangisi na ang hitsura.

"Tangina! Bold!" sambit ko na ikinahagalpak niya ng tawa.

"Easy, love.." tatawa-tawa niya pang sambit sa pagmumura ko.

"A-anong ginawa mo. . Bakit ako pumayag? Omg Clover! Magiging batang ama ka na ba?" eksaherada ko pang sambit sa kanya na tinawanan na naman ng impakto.

"Yes., if you let me.. -

"Shut up!impakto ka!" alam ko namang hindi niya tuluyang nakuha ang pagkabirhen ko pero takte, ngayon ako tinubuan ng hiya sa katawan. Malandi ka First..

"Panagutan mo ako First." sira-ulo naman niyang sambit na ikinatalim ng pangingin ko sa kanya.

"Buang ka ba?" inis kong sambit na tinawanan na naman niya. Masayang-masaya siya.

"Yes.. I'm crazy for you First. Kaya bagay talaga tayo." tatawa-tawa niya pang sambit.

"Pinagsasabi mong impakto ka!" singhal ko. Lumayo ako ng pwesto sa kanya na pilit naman niyang sinusundan.

"I said.. panagutan mo ako. I didn't make you totally.. hmm.. but I already taste you kaya sa gusto mo o sa gusto mo talaga ay pananagutan mo ako. I already called my parents.. I told them, we're granting their wish and they're very happy for us." kabaliwang sambit niya na halos magpanganga sa akin.

"A-ano-

"You're getting married with me today, soon to be Mrs. First Villera Dominguez." sambit niya na hindi ko alam kung magugulat ba ako o matatanga.

"H-huh?"

"Yes is your only choice, hmm?" patuloy niya pa ring sambit na hindi ko alam kung tatayo ba ako o tatakbo dahil wala akong maintindihan. Pero oo, naintindihan ko naman pero parang ayaw umikot ang mga pinagsasabi niya sa utak ko.

"A-ano bang kabaliwan ito Clover? Scam ba to? Na-scam ba ako? Prank mo lang 'to di ba?" di ko makapaniwalang sambit sa kanya.

"No. And this is real." nakangisi niya pa ring sambit sa akin.

"B-bakit? Bakit hindi ko maintindihan?" naguguluhan kong sambit sa kanya. Pakiramdam ko lalo akong nabaliw.

"You want me to make you understand, hmm?"
sambit niya habang dahan-dahan na namang lumalapit sa akin.

"A-anong gagawin mo?" nagtataka ko namang sambit sa paglapit niya.

"Taste you again." malandi niyang sambit na ikinahampas ko na sa dibdib niya.

"Impakto kang bastos ka! Rape!Rape!" tili ko ng tuluyan na niya akong malapitan.

"Hahahahahaha.." hagalpak niya pa ng tawa habang yakap na niya ang beywang ko.

"Baliw ka na Clover. Bitiwan mo ko.. wala akong ano— punyeta! Ang halay!"

"You moan my name love." malambing niya pang sambit na lalo ko lang ikinaramdam ng hiya sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko binuhusan ako ng mainit na tubig dahil ramdam na ramdam ko ang init sa mukha ko.

"Oh geez! Shut up Clover!" singhal ko sa kanya dahil sa hiyang nararamdaman ko.

"I love you." malambing na naman niyang turan habang nanatili pa rin ang saya sa boses niya.

"Please.. - pabulong niya pang pakiusap upang sagutin ko ang sinabi niya. He kiss my back while he still hugging me.

"I- I love you too na lang." nauutal kong sambit na ikinabaling niya sa mukha ko habang nakapatong sa balikat ko ang mukha niya.

"Hmmm?" parang batang tanong niya pa ulit.

"Impakto ka! Lumayo ka nga!" singhal ko ulit dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

"Let's take a bath together love." suhestiyon niya na malakas ko ng ikinapiglas sa pagkakayakap niya.

"Impaktong bastos!" sigaw ko pa na malakas niya lang na tinawanan. "Anong akala mo? Honeymoon 'to? Hindi pa tayo kasal oi." siraulo kong sambit na nagpangisi sa loko bago niya pa ako lapitan ulit at mabilis na binuhat.

"Clover! Ano ba?! Put me down! Omg!" natataranta kong sigaw habang di magkamayaw na takpan ang sarili ko.

"Sshh.. it's okay love, we're getting married soon kaya don't be ashame." loko-loko niya pang sambit. Nahampas ko ulit ang dibdib niya habang naglalakad na siya papunta sa banyo.

Maingat niya akong nilapag doon. He kissed me torridly afterwards bago ako iwanang nakatulala dahil sa ginawa niyang impakto siya.

"Make it fast First baka— malakas kong nasarado ang pintuan ng banyo bago pa niya dagdagan ang sinasabi niya. Rinig ko pa ang malakas niyang halakhak sa labas na ikinasabunot ko sa sarili kong buhok.

"Tangina First." mura ko sa sarili ko. Napatingin pa ako sa salamin habang tinitignan ang kabuuan ko.

"Jusmeyo.. patawarin ka sana ng magiging anak mo! Ang landi.." kastigo ko sa sarili ko.

Halos mamula ang buo kong mukha habang tinitigan ko ang mga parteng nakita at punyeta.. "natikman" ng impaktong si Clover.

"Ang animal.. nag-iwan pa ng bakas." sambit ko habang tinitignan ang bandang dibdib ko.

Gusto kong mangumpisal at manalangin sa mga sandaling ito. Nadagdagan pa ata ang kasalanan ko sa buhay dahil dito.

Napasigaw pa ako ng mabasa ako ng tubig dahil sa lamig. Nabigla pa ata ang katawan ko sa biglaang lamig dahil kani-kanina lang ay —

"Punyetang utak 'yan First! Ang halay mo. ." mura ko na naman sa sarili. Kasalanan talaga ito ng impaktong iyon. Bakit ba kasi ang init ng katawan niya?

Aaktong sasampalin ko na sana ang sarili kong mukha upang magising ako sa kabaliwang naiisip ko ng mapansin ko ang nakasuot sa may palasinsingan ko. Nanlaki pa ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung ano iyon.

"Hala!" parang timang kong reaction. Pinakatitigan ko pa ang nakaukit na bagay doon at sigurado na akong half moon iyon.

Napalunok ako ng ilang beses na pati tubig ng shower ay nasama ko na ding lunukin.

"Clover." pabulong ko na lang na sambit sa pangalan ng impaktong alam kong nagsuot ng singsing na ito sa akin.


***

Author's Note: Okay pa ba kayo? Hahaha 🤣 . Lilinawin ko lang, virgin pa si First. Hahaha pero 'yung utak niya.. hindi na. 😂

Malapit ng matapos ang story na 'to.. kaya lang dahil sa biglaang scene na medyo malapit-lapit sa balun-balunan., 😂 ..mahihirapan ata akong tapusin dahil alam kong masasaktan ako sa ending.. haha pero kagaya ng epilogue ni Blue.. 3 parts din ang epilogue ng kay First..

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now