Page 51

143 19 2
                                    



First pov;

I'm just staring at Craig..

I know para sa akin ang kanta niya.

And I also know behind his smile, he's broken..

I broke him again.

Lihim na naman akong napahingi ng tawad sa kanya.

Sorry is not enough to mend his broken heart.. but my heart is now beating with someone else..

Natuturuan ko ang utak kong magdesisyon at makalimot pero hindi ko kailanman madidiktahan ang puso kong tumitibok na ngayon para kay Clover.

Mahalaga sa akin ang pinagsamahan namin ni Craig noon pero sa pagdaan ng araw na nakakasama ko si Clover, hindi ko sinasadyang mapalitan ito ng bagay na tungkol sa kanya. ..na mas naging matimbang na ang pinagsamahan naming dalawa.

Sobrang sama ko na ba para saktan si Craig ng ganito?

Kahit masama akong tao, tinatablan pa rin naman ako ng guilty.

Pero gusto ko lang naman maging totoo kahit na lang para sa puso ko. ...Kahit pa palihim ko na lang mahalin si Clover.

Alam ko din namang kahit naamin ko na sa sarili kong mahal ko na siya, hindi ko pa rin pweding sabihin iyon sa kanya.

Maraming bagay akong tinatago na mas lamang ang kasinungalingan kaysa katotohanan.

Napatingin ako sa muling pagtugtog ng gitara at si Clover na ang may hawak nito. Tutugtog din ata siya.

Napanguso na lang ako nang katulad ni Craig, sa akin din siya nakatingin.

Lihim na lang na nagdiwang ang puso ko sa isiping may kanta din siya para sa akin..

Tsk! Di nagpapatalo ang tsitsirya niyo.

Ang gwapong leader ng mga impakto.

"Can I call you Love? 🎶

Napataas ang kilay ko dahil sa una niyang sinabi..

Sinabi niya bang love? O namamalik-tenga lang ako?

...can you be my girl? 🎶

Kung asyumerang frog lang ako iisipin kong nililigawan niya ako ngayon.

Hihi..

Pwedi na ba akong kiligin? Putspa! Unang stanza palang yan..

....Can you be my lover up until the very end? ..let me show you Love.🎶 ako lang ba ang asyumera na napapansing dinidiin niya ang salitang Love na tawag niya sa akin?
......oh, I don't pretend.. Stick by my side even when the world is givin' in.. yeah.🎶

Napapikit pa siya ng mata. Feel na feel niya siguro ang kinakanta niya.

...oh, oh, oh..🎶 muli siyang nagmulat ng mata at sumentro talaga sa akin ang tingin niya.. Putspa! Paano magpigil ng kilig?

...don't you worry.. I'll be there whenever you want me.🎶 napakagat na lang ako sa labi ko..

Gusto kong mapangiti dahil ramdam ko ang sensiridad niya habang binibigkas ang bawat lyrics ng kanta..

Lihim na lang akong napapasana all. Sana all nandiyan kapag kailangan.

...You need somebody who can love you at your worst..🎶 napapanguso ako habang pinapakinggan ang kanta niya. Bakit parang pinalitan niya yata ang lyrics.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon