Part 86

95 9 5
                                    



First points of view:

Ilang minuto din kaming nag-iyakan habang magkayakap pa rin.

I miss her. Inaamin kong kailangan ko siya. Kailangan ko ng makakapitan. Kailangan ko ng masasandalan. Noon pa man ay gusto ko ng magkaroon ng kapatid. Kaya nga ginusto kong tumira sa mga kaibigan ko noon upang mapagtakpan lang ang pangungulila ko sa kanya. Ang pangungulila ko sa sarili kong kapatid.

Matagal ko ng pinagsisihan ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya noon. At kahit pa nga sa mga sandaling ito ay nagsisisi pa rin ako kung bakit nahiling ko ang ganoong bagay sa kanya.

Ngayon ko napagtanto na okay na din at ako ang nakuha ni mommy.. Mas mabuting ako na lang ang nahirapan kaysa siya.. Kahit hindi ko man aminin sa kanya, mahal ko siya.. sa kabilang banda ng isip ko, gusto ko siyang magkaroon ng magandang buhay.. gusto kong hindi siya nahihirapan.. gusto kong lahat ng magagandang bagay ay mararanasan niya. Kaya din siguro kahit nakakagawa ako sa kanya ng masama noon, sa bandang huli ay ako din ang tumutulong sa kanya. Ako din ang nagtatanggol sa kanya.

Napalingon ako sa paligid namin. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Kahit pa nagkaunawaan na kami at tanggap na naming magkapatid kami, kailangan naming makaalis sa lugar na ito. Kailangan ko siyang maligtas. Kailangan ko siyang mailayo kay mama dahil alam kong katulad ni Tork, posible din siyang gamitin ni mama laban sa akin.

"D-did you see Tork?" tanong ko sa kanya ng marealize kong hindi ito ang attic na binanggit ko sa mga kasama ko na maaaring kinalalagyan ni Tork.

"He's here earlier bago ka pa nagising First.. kinuha siya ng mga dumukot sa akin and they said na dadalhin siya sa facility. I don't know where it is.. pero bago siya kinuha, he ask me something.. he ask me to tell you to save yourself.. huwag mo daw hayaan na makuha ng mommy mo ang gusto niya sayo." saad niya na mahigpit kong ikinakuyom sa kamao ko.

"Not 'gonna happen.." bulong ko pa. Di bale ng mapahamak ako at makuha ni mama ang gusto niya basta maligtas ko lang siya.

"Kailangan na nating makaalis sa lugar na ito Miracle." sambit ko sa kanya habang nililibot ko na ang paningin ko sa paligid ng silid na kinalalagyan namin ngayon.

This is a new built room. Hindi ko alam na may ganito na palang pinagawa sa mansyong ito.

"Napansin mo ba ang ibang mga kasama ko Miracle?" tanong ko ulit sa kanya. Umiling lang siya sa akin bilang sagot. Pansin kong naghahagilap na din siya ng madadaanan namin palabas.

Nasaan na kaya sina Blue? Sana naman hindi din nangyari sa kanila ang nangyari sa akin kanina. Sana hindi sila nakalimot.

Bumukas ang pintuan at biglang pumasok ang dalawang bantay, kasunod pa nilang pumasok si mama na nakangiti pang tumingin sa amin ni Miracle.

"What a lovely scene.. nakaka-iyak ang muling pagsasama ninyong dalawa." ngiti pa niya habang nakadikit pa ang mga kamay niyang humarap sa akin. "..a perfect reunion isn't it?" baling pa nito sa akin.. "..but there's something missing.. may kulang pa para matawag talaga kayong happy family.. hmm?" sambit niya bago lumingon sa labas.

"Boys ipasok na ang isa." utos pa niya sa ibang mga tauhan niyang nasa labas lang pala ng kwartong ito.

"M-mom." tawag ni Miracle dito. Napayuko ako ng balingan ako nito ng tingin. Siya pala ang isa pang dadating ngayon.

"What am I doing here Prim? ..akala ko ba patay ka na?" sarkastiko pa nitong sambit kay mommy ng makapasok na ito sa kwarto.

"I want a beautiful show Anastasya.. ito ang tamang panahon para makasaksi ako ng magandang palabas." sagot naman ni mama sa kanya.

"Damn you! Pinaglalaruan mo ba ako, huh? Anong palabas ang pinagsasabi mo?" galit na singhal naman ng tunay kong ina sa kanya.

Tumawa lang si mommy ng malakas at bakas na sa hitsura ng tunay kong ina ang sobrang galit niya dito.

Tumigil naman si mommy sa pagtawa kalaunan at kasabay ding napalitan ang emosyon niya ngayon.

Kung galit ang hitsura ng tunay kong ina, mas nasusuklam ngayon ang hitsura ni mommy habang kaharap siya.

"Tuluyan mo na bang nakalimutan Anastasya? Ngayong araw ang kaarawan ko..  ngayong araw niyo din pinatay ang anak ko.." mariing sambit ni mommy dito..

"It's not my fault Prim! Ang pagkabaliw mo ang pumatay sa anak mo!" singhal ng tunay kong ina na nakatikim ng malakas na sampal mula kay mommy.

"Walang hiya ka!! Mapang-apid! Hindi mamamatay ang anak ko kung hindi niyo ako niloko ni Anton!" sigaw ni mama dito.

"Mas walanghiya ka Prim! Alam mong ako ang mahal ni Anton sa simula pa lang pero binalak mo pang agawin siya sa akin.. Kaming dalawa ang nagmamahalan kahit kasal pa kayo! ..mamamatay tao ka! Pinatay mo din ang anak ko!" galit na sambit ni Anastasya na nagpatawa ng malakas kay mommy.

"Hahahahahahahhahaha!!" malakas na halakhak ni mama dito. "Pinatay? ..really?" tanong pa niya na bakas sa mukha niya ang pagkamangha sa sinabi ng tunay kong ina.
Napabaling pa ang paningin niya sa akin na bahagya ko namang inilingan.

"Am I going to tell her the truth First?" tanong niya pa na halatang ipinagtaka ng ina kong si Anastasya.

"Anong totoo?" tanong pa nito na sa akin na nakatingin ngayon.

Umiling lang ako sa kanya bago magkaawang bumaling din kay mommy. Ayokong sabihin niya ang totoo. Ayoko!

"Let me.. okay?" sambit lang nito sa akin na ikinahawak ko sa kamay niya.

"Mom.. please." iling ko pa. Nagmamakaawa ako ngunit hindi niya din pinagbigyan iyon.

Tinanggal lang niya ang pagkakahawak ko sa kanya na nagbigay sa akin ng labis na kirot sa puso ko.

Napayuko na lang ako at kasabay ng pagpikit ko ang pagsambit niya ng katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

"She's your daughter Anastasya.. First is Miracle's twin sister."

***

Author's Note: Epilogue is the next page..

Please kindly read my ongoing story (Me and the Group 5) too.. (Me and the Dark Knights) is already completed. And Livied High Academy is my another ongoing story..  connected lang po ang lahat ng stories ko pero yung Me and the Group 5 ay may kaibahan ng genre.. Teenfiction din siya pero may halong Fantasy ng kunti.. time loop or time travel kasi siya. Hihi..

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now