Part 77

85 9 0
                                    



Clover points of view:

Masaya akong marinig ang pinangako niya pero hindi ko maintindihan ang puso ko kung bakit nakakaramdam ako ng kakaibang lungkot mula sa pagkakasabi niya.

I kiss her again. Gusto kong tanggalin ang pag-aalinlangan ng puso kong maging ganap na masaya sa pangako niya. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na magagawa niya ang mga sinabi niya. I want to live my life with her too. I want to only love her. I want to marry her the soonest. I want her to not ever leave me.

"I love you." I uttered between our kiss. I tightly hug her afterwards and she did it too. Ilang minuto pa ang nagdaan ng kapwa kami nanatiling tahimik habang magkayakap. Ramdam ko ang bawat tibok ng puso niya na rumiritmo sa tibok ng puso ko.

Ilang minuto ulit ang nagdaan ng ako na ang unang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. Ako na din ang nag-ayang lumabas na kami sa kwarto ko upang balikan ang mga magulang naming nag-uusap sa labas. Alam kong takot siya sa ina niya. May ideya na ako kung bakit nararamdaman niya iyon.

Maging ako ay nagulat din sa pagdating ng ina niya kanina. Hindi ko man ito gaanong kilala pero base na din sa nalaman ko mula kay Acid at sa batang pabibong si Tork, nagawa nitong magsinungaling sa kanya noon. Nagawa din siya nitong saktan kaya nakakaramdam siya dito ng takot hanggang ngayon.

Hindi ko din inaasahang naplano na pala nila ang magiging kasal naming dalawa. Pero ganun pa man ay wala akong tutol doon dahil iyon naman din talaga ang gusto kong mangyari. Ngunit iniisip ko pa rin ang magiging sagot ni First. Ramdam kong mahal niya rin ako pero gusto kong handa siya at hindi nag-aalinlangan kung ikakasal man kaming dalawa.

Alam kong hindi pa sapat ang mga edad namin upang magpakasal. Ngunit masyado ko lang talaga siyang mahal na kahit hanggang sa kabilang buhay ay siya ang gusto kong makasama.

***

First points of view:

"O, andito na pala kayo." salubong ni tita lovie ng makabalik na kami ni Clover.

Tumango lang ako sa kanya bago ilapag na muna ang kwadradong larawan na bigay ni Clover. Pansin ko pa ang pagngiti niya ng balingan niya iyon ng tingin bago din ngumiti sa akin.

"We decided na enganement party niyo na lang muna ni Clover ang gagawin natin sa birthday ko." napatingin naman ako kay mommy ng magsalita ito. "And it will be held at our mansion in La Carlota First." dagdag pa nito na halatang hindi ko na matututulan pa ang naging desisyon at plano niya.

"I don't have any objection about it tita pero dapat po ata ay tanungin muna natin si First kung okay ba sa kanya ang plano niyo." magalang na pagsingit ni Clover sa usapan.

Napangiti naman si Mommy sa kanya bago din siya kausapin.

"I know my daughter, iho. Alam kong hindi siya tumututol sa desisyon ko. Right, First?" sambit ni mama bago ako nito nakangiting balingan.

Napatitig lang ako sa kanya. Sa kabila ng mga ngiting pinapakita niya ngayon alam kong kabaligtaran ang gusto niyang ipakita sa akin.

"O-opo." sagot ko na lang habang mariing magkahawak ang mga kamay ko. Alam kong ngayon pa lang ay sinusubukan na niya akong manipulahin at natatakot ako na baka pati si Clover ay madamay dahil sa akin.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon