Page-10

308 108 240
                                    


Craig pov;

"Craig." tawag ni Miracle sa akin habang palabas na kami ng room kasama si First..

Nakita ko sa kanyang mukha na nalungkot siya, lalo na nang mapagawi ang tingin niya kay First..

Siguro namiss niya na din itong kasama..

Gusto ko silang paglapitin ulit katulad ng dati pero hindi ko alam kung bakit mailap sa kanya si First. Para bang ang layo na talaga ng loob nito para sa dating matalik niyang kaibigan..

Miracle is my friend. Naging mabait siya sa akin noon at lalo lang kaming napalapit ng iniwan ako ni First. She's been good. Lagi siyang andiyan kapag may problema ako.. Nakasuporta siya sa akin kapag may pinapagawa si Dad sa akin..

Naging katuwang ko siya sa mga sandaling nahihirapan ako at gusto ng sumuko dahil dala-dala ko pa rin sa dibdib ko noon ang sakit at sama ng loob kay First..

Lumapit si Miracle sa akin at sinabing may dinner date na magaganap mamaya kasama ang mga magulang niya at magulang ko..

Ayokong umattend pero naaawa ako sa kanya.. Ayaw ko siyang masaktan dahil sinabi niyang biktima lang din siya ng arrangement na ito..

Kinikwento niyang malupit ang ina niya kaya nag-aalala akong sasaktan siya nito kapag hindi niya ito sinunod.

Parehas lang kaming naiipit dahil sa mga magulang namin.

Naiinis ako dahil hindi ko magawang baguhin ang kasunduang iyon.. Gusto kong si First lang ang pakasalan ko dahil noon pa man mahal na mahal ko siya at lalo ko lang napatunayan ngayong nagkita kami ulit na siya pa rin talaga.

Magkasama kaming nagpunta sa canteen nina Clover pati na din ni First! Masaya ako dahil hindi na niya ako nilalayuan..

Naririnig ko silang nag-uusap ng kaibigan niya sa canteen at nalaman kong sa kanila pala siya nakatira! Kaya pala wala siyang alam sa mga gamit niya sa unit niya..

May nabanggit itong nakakuha ng pansin ko kaya tinignan kong mabuti si First.

She's sad.

Bakit First?

Ano ba talagang nangyari sa iyo noong umalis ka?

Hindi ko na kasi alam kung anong nangyari at dahilan ng paglayo niya sa amin..

Bestfriend niya si Miracle pero kahit ito ay hindi na niya pinapansin ngayon.. Tinitignan niya ito na parang hindi niya ito kilala..

Naaawa ako kay Miracle kapag nakikita ko siyang nakatanaw lang kay First.

Acid came with the chocolate foods na sigurado akong kay First ang mga iyon. Gustong-gusto niya ang chocolates kapag may gumugulo sa isip niya o di kaya may iba siyang nararamdaman sa sarili niya..

I know food is life siya kahit noon pa. Pero alam ko ding binubuhos niya lang ang frustration niya sa pagkain..

Napaismid ako ng marinig kong may nagbigay ng chocolates sa kanya. May nanliligaw na kaya sa kanya dito sa school?

First is too beautiful para hindi mapansin ng iba.. She's smarter than I thought.. She's clever.. Hindi siya nagseseryoso sa mga bagay-bagay pero kapag tinanong siya siguradong may maisasagot siya dahil alam niya.. She's wise at madaling makisama sa iba kaya siguro madali lang nahulog ang loob ng mga kaibigan ko sa kanya kahit ilang araw pa lang silang magkasama..

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Where stories live. Discover now