Page 56

106 11 2
                                    



:dedicated to miss @steffany012699 .thank you for waiting.

First points of view:

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Craige ng makabalik ako sa pavillion. Kasama pa niya si Miracle na malungkot lang na nakatingin sa akin.

Pinigilan kong huwag mapairap sa hitsura niya pero di ko talaga mapigilan. Baliw na nga talaga siguro ako dahil kahit ang bigat na ng nararamdaman ng puso ko ngayon, nakuha ko pang bigyan ng reaksyon ang hitsura niya.

"I'm fine." medyo paos kong sagot sa kanya ngunit halata sa mukha niyang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

Nagtuloy-tuloy akong pumasok sa loob hanggang salubungin ako ni Tork ng yakap.

"Saan ka galing? Are you fine, huh?" nag-aalala niyang tanong ng bumitaw na siya sa yakap niya. Napatingin pa siya sa mata ko at pansin ko ang pagkunot ng noo niya ng matignan niya na iyon ng mabuti. "You're not okay." pabulong niyang sambit na pilit ko lang na nginitian.

"I'm fine Tork, don't worry okay? Napuyat lang ako kaya ganito ang hitsura ko." sambit ko naman na sinagot lang niya ng buntong hininga.

"Take a rest, then.. bukas na lang kita tatanungin." seryosong sambit niya na tinanguan ko na lang. Pansin ko pa ang pagtingin niya sa hawak-hawak niyang phone bago niya ako balingan at akayin papunta sa kwarto na inuukupa namin.

Gusto ko siyang tanungin tungkol sa phone niya dahil baka may tumawag na naman sa kanya pero nag-alangan akong gawin 'yun ng maramdaman ko ang biglaang pagseryoso niya.

Medyo nag-iba ang tibok ng puso ko dahil sa pag-alinlangan kong magtanong sa kanya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng takot at pangamba.

Inalalayan niya pa akong mahiga sa higaan ko, buti na lang at tulog ang tatlo kong kaibigan dahil baka inulan na ako ng mga tanong ng mga gaga.

Maingat niyang nilagay ang kumot hanggang sa may tiyan ko. Nanatili pa rin siyang tahimik habang masuyo niyang hinaplos ang buhok ko.

"Take a rest First." mahina niyang utos sa akin. Sinunod ko naman iyon at dahan-dahan na akong pumikit. Ngunit kasabay ng pagpikit ng mga mata ko ang pagtulo ng luha sa gilid ng pisngi ko.

"You know I'm always here for you, right?" pabulong niyang saad ulit habang patuloy pa rin ang paghaplos sa buhok ko. "Please always remember that, okay?" dagdag niya na mahina ko lang na tinanguan.

Alam kong may gusto siyang malaman. Nararamdaman kong may alam na siya dahil sa pinapakita niyang reaksyon ngayon sa akin. Ramdam ko rin ang pag-aalala niya pero hindi ko mapigilang matakot sa katotohanang may alam na siya sa buhay ko.

Ang pag-break down ko kanina kasama si Clover ay hindi lang tungkol sa bangungot ko. Dahil din iyon sa takot dahil maaaring hindi ko na mapipigilan ang pagkabunyag ng madilim kong lihim, ang madilim kong nakaraan na may kinalaman hindi lang kay Miracle kundi na din kay Jelly.

Gusto ko ng makawala sa matagal ko ng bangungot at alam kong malaki ang kabayaran sa kagustuhan kong iyon.

Hindi ko na namalayang nakatulog na ako dahil sa isiping iyon, nagising na lang ako dahil sa palitan ng salita na kahit hindi ko ibuka ang mata ko ay alam ko na kung sino.

"You should leave.. ako na lang ang maghihintay na magising siya." rinig kong sambit ni Clover.

"No. You leave.. ako ang kailangan niya kaya ikaw ang dapat umalis." sambit ni Tork. Ramdam ko pa ang paggalaw ng ibabang parte ng higaan ko dahil siguro umupo siya doon.

"Tsk!" palatak ni Clover. "You know what? —lactum ba ang iniinom mong gatas? Masyado ka kasing pabibo." pang-asar niya pa kay Tork.

"Tsk!" balik ni Tork sa kanya. "You know what? —langaw ka ba? Masyado ka kasing papansin." pinigilan ko ang pag-arko ng kilay ko sa pinagsasabi nila. Pasimple ko pang kinurot ang hita ko upang hindi lang ako tuluyang matawa. Takte!

"What the fuck!" mahinang mura ni Clover.

"What the hell!" sagot naman sa kanya ni Tork.

Malalim na lang akong napahugot ng hininga bago ibuka ang mga mata ko. Ramdam kong wala talagang susuko sa pagpapalitan nila ng salita. Tsk!

"Ang iingay niyo, nasira tuloy ang beauty rest ko." matabang kong sambit na mabilis din naman nilang ikinalapit sa akin.

"Are you okay now, huh?" nag-aalalang tanong ni Clover. Napatitig pa ako sa kanya ngunit nag-iwas din ako ng tingin. Bigla akong nahiya sa nangyari sa amin kagabi. Omg.

"What do you want? You want to eat? ..food?" si Tork naman ang nagsalita. Gusto kong mapangiwi sa kinumusta niya sa akin. Alam ko namang sa lahat na nanditong kaibigan ko, siya ang higit na nakakakilala sa akin pero ganoon na ba talaga ako katakaw sa paningin niya para tanungin ako tungkol sa pagkain kahit kagigising ko lang?

Malalim akong napahugot ng hininga bago sila tinignan.

"I'm okay and I want you two to leave me.." napakamot pa ako sa ulo ko matapos kong sabihin iyon sa kanila. Ano ba kasing ginagawa nila at dito pa talaga sila sa kwarto ko nagbangayan? ..why are you here? dagdag kong tanong sa kanilang dalawa ng makabangon na ako.

"To watch over you." sagot ni Tork.

Napatingin naman ako kay Clover dahil naghihintay ako ng sagot niya ngunit ang impakto sa labi ko nakatingin.

Gusto kong pamulahan. Putspa!

"To be with you." halos pabulong niyang sabi na lalong nagpainit ng pisnge ko kaya bago pa man nila makita ang pamumula ko ay pinalabas ko na sila.

Takte! Ngayon lang ata nag-sink in sa akin ang nangyari kagabi. Gosh!

"Get out.. lumabas na kayong dalawa ang aga-aga bakit kayo nandito? Asan na ba kasi ang mga loka-lokang babaeng yun at iniwan ako?" himutok ko habang pinapalabas silang dalawa upang matakpan lang ang hiya ko dahil sa impaktong ito.

"It's already 3 pm First." lingon ni Tork sa akin.

Napangiwi ako sa sinabi ni Tork. Akala ko umaga pa lang.

"Your friends are on the pool." baling naman ni Clover.

Mas lalo pa akong napangiwi sa pagbaling niya.Potspa! Huwag mo muna akong kausapin Clover.

Nakahinga na lang ako ng maluwag ng tuluyan na silang makalabas.

Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid ng kwarto at natigil ang paningin ko sa nakahandang damit ko na alam kong si Butter na naman ang naghanda.

Nakagat ko na lang labi ko. Handa na ba talaga akong iwanan sila?

Naging buo na ang loob ko kagabi dahil sa sinabing pahinga ni Clover. Siguro nga tama siya. Kailangan ko na talagang magpahinga at magagawa ko lang iyon kung haharapin ko na ang lahat ng kinatatakutan kong katotohanan tungkol sa pagkatao ko.

***

Author's apology: sorry po sa matagal na update. Na-writer's block po talaga ako at sinapian na din ng katamaran mag-back read. Huhu sorry fireflies. Anyway, completed na ang story ni Blue na Me and the Dark Knights. Sana suportahan niyo din po iyon at may mga scene din si First at ang ibang D 'STERCES doon. Love lots fireflies.

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon