Page 64

104 12 0
                                    



First points of view:

Ilang minuto na din siguro akong nanatili sa pagkakayakap sa tuhod ko ng may biglang bumukas sa secret room na pinagtataguan ko.

Halos lumabas ang puso ko sa gulat at takot na baka si Mama ulit ang dumating.

"THE FUCK FIRST!" pasigaw na tawag ni Ivory sa akin ng makita niya ako sa ganoong ayos. "I'm calling you kanina pa! Are you okay, huh?" nag-aalala niyang usisa habang hawak-hawak na ang balikat ko. Nakatulala ko lang siyang tinignan hanggang sa inalog niya ang balikat ko upang siguro mabalik ako sa sarili.

"You're not okay." buntong-hininga niyang sambit bago kuhanin ang phone niya upang tawagan siguro ang iba naming kaibigan.

"No." mahinang iling ko sa kanya dahil ayaw kong mandamay pa ng iba. Klarong-klaro ang ibig sabihin ni Mama sa sinasabi niya kanina, she knew.. Alam niyang may mga kaibigan na ako ngayon at ayokong sila naman ang pagbuntunan ni Mama ng galit dahil sa hindi ko lang pagsunod sa gusto niya.

"What?" takang tanong naman ni Ivory sa akin.

Umiling muna ako sa kanya bago marahas na pinunasan ang basang-basa kong mukha dahil sa di ko mapigil na pag-agos ng mga luha ko.

"A-andito si Mama kanina.. s-she already know na may mga kaibigan na ako ngayon.. She hates it.. ayaw niyang may iba akong nakakasama.. ayaw niya akong maging masaya at natatakot ako na baka gawin din niya sa inyo ang ginawa niya sa ina ni Jelly noon." natatakot kong sambit kay Ivory na ikinaseryoso niya ng tingin sa akin.

"She can't hurt us First.. she can't hurt you either dahil nandito kami para tulungan ka. I know nagpunta ang ina mo dito kanina that's why I rush here to find you dahil alam kong naduduwag ka kapag nakikita mo ang ina mo!" sambit ni Ivory na ipinagtaka kong tumingin sa kanya.

"How? Paano mo nalaman?" tanong ko. Nagbuntong hininga muna siya bago ako nito sinagot.

"I already saw your Mom here noong binalikan kita after you ask me na iuwi si Top sa bahay nila noon."

"What?!"

"That book.. 'yung librong naglalaman ng sulat ng ina mo, those bookmarks.. Mama mo mismo ang may plano upang mabasa mo iyon." paliwanag niya na paulit-ulit kong inilingan dahil hindi ako makapaniwalang noon pa man ay pinupuntahan na pala ako ni Mama dito.

"You need to talk to Sage.. she need to know what you've done for her. Malakas ang kutob kong ina mo ang dahilan kung bakit niya nalaman ang pagkamatay ng ina niya. Kasinungalingan ang sinabi ng ina mo sa kanya kaya ka niya sinisisi ngayon First." sambit ulit ni Ivory.

"How? She hates me Ivory at alam kong kinamumuhian na din ako ng mga kaibigan ko ngayon lalong lalo na si Jelly." malungkot kong sambit sa kanya.

"Jelly is also your friend, First., kaya hindi malayong gagamitin din siya ng Mama mo upang masaktan ka lang kung gugustuhin niya. Kaya before it's too late, kailangan mo siyang balaan, kailangan mong ilayo si Sage sa baliw mong ina and also your friends Mom, ..Acid's mom..—

"What about Tita Pamela?" tanong ko sa kanya tungkol sa ina ni Acid.

"Nakita mo siya sa secret facility na iyon kung saan natin nakita ang ina mo, First.. alam mo bang nagtrabaho din siya noon sa mental hospital kung saan ka galing? Malaki ang posibilidad na noon ka pa kilala ng ina ni Acid.. may posibilidad din na mula pa noon ay alam na ng ina mo kung saan ka naroroon.. kung anong ginagawa mo at kung sino ang nakakasalamuha mo." mahaba niyang paliwanag na hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "Acid's Mom is your mom's friend, First.. at kahit ang ibang ina ng mga kaibigan mong lalake ay kilala ang ina mo." dagdag pa niya na ikinagulat ko.

"Paano mo nalaman ang lahat ng tungkol dito Ivory?" nagtatakang tanong ko din sa kanya.

Umiling lang siya sa akin bilang sagot. Isang secret agent si Ivory sa pagkakaalam ko ngunit hindi lang iyon ang naging trabaho niya.

"I have your mother's book.. I had read all she had written on that book at isa na doon ang tungkol sa tunay mong ina." sagot lang niya na hindi naman tungkol doon sa tinanong ko sa kanya.

"Ang tanong ko ang sagutin mo Ivory.. paano mo nalaman ang tungkol sa ina ko, kung anong relasyon niya sa ina ng mga kaibigan ko?" tanong ko ulit na nakapagseryoso sa kanyang tumingin sa akin.

"It's about the dievil drug.. isa sa mga doctor na nagtatrabaho kay Hiroshi ang ina ni Acid.. may gusto akong hanapin kaya inalam ko kung sino ang mga doctor na gumawa ng pag-aaral sa mga kasamahan ko noon. At isa din ang ina ni Acid doon. .Sa ibang ina naman ng mga kaibigan mo, wala na silang kinalaman sa mama mo pwera na lang sa naging kaibigan din nila ito noon dahil na din sa ama mo." mahabang paliwanag niya.

"Si dad?"

"Magkakaibigan ang mga magulang niyo noon." sambit niya na nagpaalala sa akin ng magpunta ako sa bahay nila Clover. Nabanggit kasi ng ama ni Clover ang tungkol kay dad noon pati na din ang ugali niya noong college pa sila. Naalala ko din ang naging family dinner na dinaluhan din ng pamilya ng mga kaibigan ko.

Unti-unting nagkakaugnay ang lahat ngayon. Ang naging trato nila tita sa akin,. Alam nilang anak ako ng babaeng naging kaibigan din nila noon. Pero si Tita Pam, bakit parang nagkunwari siyang hindi niya ako kilala?

Nangunot ang kilay ko ng maalala ang pangalan ng doctor na may-ari ng mental institution na pinanggalingan namin ni Dew noon.

"Si Dr. Costales." wala sa sariling sambit ko. Siya ba ang ama ni Acid? Pero naalala kong nabanggit ni Acid na wala na ang ama niya.

Kung ganoon, kaano-ano nila ang doctor na iyon?

May kilaman nga ba talaga ang mga magulang ni Acid sa dievil drug na hinahanap ni Ivory?

"About Dr. Costales," sambit niya tungkol sa binanggit kong pangalan ng doctor noon sa mental institution. "..he's the brother of Acid's mom.. ibig sabihin lang nun., malaki ang posibilidad na tama ang hinala ko., maaring dati ka pang kilala ng ina ni Acid., maari ding dati pa alam ng ina mo kung nasaan ka.. at isa pang bagay na nalaman ko.. tumitig muna siya sa akin bago ulit dugtungan ang sinabi niya. "..nanggaling din sa hospital na iyon ang ina mo." dagdag niya na lalo pang nagpagulat sa akin.

"Alam kaya ni dad na nandoon din si Mama?" wala sa sariling tanong ko dahil siya ang nagdala sa akin sa lugar na iyon.

"You need to ask your dad about that First.. ama mo lang makakasagot sa mga tanong mo.." sambit niya na ikinabuntong hininga ko lang. Tama siya, kelangan ko na talagang makausap si dad.. Kelangan kong itanong sa kanya kung alam niya bang buhay pa si Mom. At kung bakit siya nagsinungaling noon sa akin.



***

Author's Note: Ang dievil drug na binanggit ni Ivory ay ang drugs na na-inject ni Dr. Hiroshi sa kanilang apat nina Blue, Dew at First na isa sa mga chapters ng Me and the Dark Knights. Si Dr. Costales naman ay naging doctor nina Dew at First sa isang mental institution na nasa chapter din ng 'D STERCES.

Sana hindi kayo maguluhan. haha

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें