Epilogue 1

122 11 4
                                    


First points of view:

"You really hate me.." napakagat pa ako sa labi ko habang sinasabi iyon sa kanya. "But you know what?! . .minahal kita mom. . hahaha.. mas minahal pa nga yata kita kaysa sa totoo kong ina." hindi ko na mapigilan ang lalong pagpatak ng mga luha ko habang mapait akong tumatawa.

Pansin kong natigilan siya ng ilang segundo bago pa siya natatawang tumingin sa akin ulit.

"Sobrang malas mo naman kung ganon.. hahaha!" natatawa niyang sambit sa akin.

Napabaling siya kay tita Pam na hawak pa rin ang injection na may lamang dievil drug. Bigla niya iyong inagaw at balak na sanang iturok kay Clover ngunit mabilis ko ding inagaw iyon kasama ang baril na hawak-hawak din niya.

"Damn it!" galit niyang mura. "Give it back! Stupid give it back!" bulyaw niya.

Umiling lang ako tsaka mariing tinutok ang baril sa kanya.

Nanlaki pa ang mata niya sa ginawa ko. Ilang segundo din ang lumipas bago siya makabawi.

"You want to kill me again, huh?!" nakangisi na niyang sambit sa akin na mapait ko lang na nginitian. 

Hindi kita binalak patayin noon mama.. ikaw ang may gustong patayin ako.

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko bago magsalita sa kanya.

"Let them go ma!" walang emosyon kong sambit patungkol kay tita Pam at Clover na nasa stage pa rin hanggang ngayon.

Umiling lang siya sa sinabi ko kaya mabilis kong pinaputukan ng bala ang isa niyang tauhan na tinamaan sa kanang balikat nito.

"Let them go!" mariin kong sambit ulit sa kanya. Sumenyas ako kina Clover at tita Pam upang umalis at pumunta na sa pamilya nila.

Umiling si Clover sa akin. Alam kong ayaw niya akong iwanan sa mga sandaling ito ngunit malungkot ko lang siyang tinignan.

"Please." nanghihina kong pakiusap sa kanya. Nagdadalawang-isip niya pa iyong sundin ngunit ng mapatingin siya sa ina niyang may tama ng bala ay napilitan din siyang gawin ang pakiusap ko sa kanya.

"Tsk.. tsk.. what a show." mapang-uyam na sambit ni mama. May sinenyas siya sa mga tauhan niya at maya-maya lang ay dala na nito si Anastasya na totoo kong ina kasama si Miracle.

"Honey.. Miracle." nag-aalala pang tawag ni dad sa kanila na ngayon ay hawak na din ng mga tauhan ni mommy.

Pansin ko ang pagbaling ni mommy kay dad ng tawagin niya ang tunay kong ina. Kita ko din ang kakaiba niyang ngiti dito na agad ding napalitan ng pagkamuhi.

Bumaling ulit si mommy ng tingin sa akin ng nasa tabi na niya sina Miracle at ang tunay kong ina.

Nanatili lang na nakatutok ang baril ko sa kanya. Walang emosyon ko siyang tinignan. Pagod ko namang binalingan ng tingin ang dalawang babaeng katabi niya ngayon.

"First." umiiyak na tawag ni Miracle sa akin ganoon din ni Anastasya. Marahil ay hindi pa siya natapos sa pagsisisi niya.

"Let's see kung sino ang unang susuko First." makahulugang sambit ni mama bago pa niya kunin ang baril ng tauhan niya at itutok din iyon sa ulo ng tunay kong ina.

"M-mommy." nahintakutang tawag pa ni Miracle sa ina namin.

"H-honey." maging si dad ay nag-alala din siyang tinawag.

Natawa naman si mommy sa takot na nababakas sa mga boses nila bago pa tumitig sa akin.

"I'm going to kill your real mother now First.. anong gagawin mo? hmm.." ngisi nito sa akin.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Où les histoires vivent. Découvrez maintenant